Chapter 33: The Sweet Dance

Nang pumasok si Ada sa school ay nalaman niya na may gaganaping Masquerade party ang school nila for the new year.

Naghanda ang school ng Masquerade event para sa lahat ng studyante. Habang kumakain sa canteen ay napag-usapan ito nila Ada at Joice.

"WoW! Masaya yun! Punta tayo dun Ada!" Excited na sabi ni Joice.

"Ha, hindi ako mahilig sa mga party, eh." Pagtanggi ni Ada.

"Ano ka ba? Dapat pumunta ka, dahil ikaw ang Ms. Campus, siguradong pupunta din dun si Kent. Sige ka, kapag di ka pumunta baka si Charm ang maging partner niya!" sabi ni Joice.

"Ha, ganun ba?" Sabi ni Ada

"Kaya punta tayo, ha, okay?" Sabi ni Joice.

Tumango naman si Ada at pumayag siya dito. "Oh sige." sabi ni Ada

at nagpatuloy na sila ng pagkaen ng lunch.

~

Dumating ang araw ng kanilang Masquerade Party.

Sabay si Ada at Joice na pumunta sa party, dahil niyaya siya ni Joice sa kaibigan nitong hairstylist na dun sila mag paayos at sabay na rin silang nagbihis.

Si Ada ay naka suot ng light pink na long gown na parang diwata ang desenyo.

Si Joice naman ay black na long gown din.

Nang dumating sila sa event ay nakita nila na marami nang tao. Hinanap niya si Kent at nakita niya itong nakikipag kwentuhan sa ibang estudyante. Nakasuot ito ng itim na suit at may silver na maskara sa mukha, habang may hawak na champagne sa kanyang kaliwang kamay at ang kanan naman na kamay nito ay nakasuksok sa loob ng bulsa ng kanyang pantalon.

"Malapit na magsimula, mabuti hindi tayo nalate." Sabi ni Joice.

"Oo nga eh." Sagot ni Ada habang nakatingin kay Kent.

Napansin naman ito ni Joice at agad siyang nag-usisa.

"Hey, sino tinitingnan mo?” Tumingin din siya kung saan nakatingin si Ada. “Teka, si Kent ba yun?" tanong ni Joice.

"Ha? Ewan, parang... ‘di ko sure, nakasuot ng mask eh." Sabi ni Ada.

"Pero parang si Kent yun! Tindig pa lang eh. Hayaan mo, tatawagin naman kayo mamaya, eh." Sabi ni Joice.

Ilang sandali pa ay nagsimula na ang event.

Nagsalita ang MC for the opening remarks. Kasunod ay tinawag ang Head teacher na nag organized ng event.

Pagkatapos ay tinawag na sila.

"For our opening dance, let's all welcome... Mister and Miss Campus!!!" 

Pagkatapos ay nagpalakpakan ang lahat.

Lumakad si Kent sa gitna, habang luminga-linga at hinahanap si Ada...

"Oh, tawag ka na dun Ada, pumunta ka na!" Sabi ni Joice.

"Ha, a-ayoko, nahihiya ako eh..." Sabi ni Ada dahil sobrang lakas ng tibok ng puso niya.

"Ano ka ba? Pumunta ka na, naghihintay si Kent!" pagkatapos ay hinila niya si Ada papalapit kay Kent.

Dahan-dahan naman siyang lumapit kay Kent habang nakatalikod ito.

"Let's all welcome again, Mister and Miss Campus..." Masayang sabi ng MC.

Nagpalakpakan ang mga tao, at unti-unting pinatay ang ilaw at spotlight lang ang natira. 

Kasabay ang pagtugtog ng sweet music.

Dahan-dahang humarap si Kent sa kanya... at ngumiti.

Unti-unti siyang humakbang papalapit kay Kent habang malakas ang tibok ng kanyang dibdib.

"H-Hi!" Bati ni Ada ng nasa tapat na siya ni Kent.

"Hi!" Bati din ni Kent at ngumiti siya ng matamis para kay Ada.

Pagkatapos ay nilapitan siya ni Kent at hinawakan ang kamay niya. Inilagay ito sa kanyang balikat, ang isa naman ay magkahawak sila ng kamay.

At dahan-dahan silang sumayaw, sa awiting "A Thousand Years."

"Heart beat fast,

 Colors and promises,

 How to be brave,

 How can I learned

 When I'm afraid to fall... "

Parang huminto ang mundo habang nagsimula silang sumayaw ni Kent. Ang tanging nakikita lang ni Ada ang mga mata ni Kent na maamong nakatitig sa kanya...

Hindi niya maipaliwanag ang kabang nararamdaman habang nagsasayaw sila ni Kent ng gabing iyon. Para siyang Prinsesang nakikipag sayaw sa kanyang Prinsipe .

"You are so wonderful tonight!" Sabi ni Kent sa kanya habang hindi nito inaalis ang tingin sa kanyang mga mata.

"Ikaw din, napaka gwapo mo." Tugon na sabi ni Ada at bahagya siyang ngumiti.

"Sana ay hindi na matapos itong gabi." Sabi ni Kent sakanya.

Unti-unti pa siyang inilapit ni Kent sa kanyang katawan na halos magkadikit na sila.

Kaya naman napayakap siya dito, gusto niyang lumayo kay Kent, sinubukan niya itong itulak.

"Kent..." Paki-usap ni Ada kay Kent.

Ngunit lalo lang siya niyakap ni Kent at ngayon ay ang isang kamay ni Kent ay nakayakap na sa baywang ni Ada.

"Do you really love me?" Tanong ni Kent habang nakatingin sa mga mata ni Ada.

"Y-Yess..." 

Pagkasabi ni Ada ay unti-unting yumuko si Kent at hinalikan siya nito.

Nagulat naman si Ada sa paghalik ni Kent.

Parang tumigil ang oras at sila lang ni Kent ang gumagalaw. Ang mga masuyong halik ni Kent, na tila ba nagdadala sa kanya sa kaulapan...

Nagulat naman ang lahat ng mga nanunuod. Hindi sila makapaniwala sa nakikita! 

Unti-unting tumigil si Kent at ngumiti kay Ada.

Si Ada naman ay shocked parin sa ginawa ni Kent. Tinulak niya si Kent at tumakbo papalayo.

"Ada, wait!" Tawag ni Kent.

Pero ‘di lumingon si Ada at nagpatuloy sa paglalakad papalayo.

Hindi niya inaasahan na gagawin yun ni Kent sa maraming tao... Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Sobrang kinakabahan siya sa mga oras na ‘yon.

Agad siyang sinundan siya ni Joice papalabas ng hall...

Hinawakan siya ni Joice sa kanyang braso at tinanong.

"Ada, ano yun?" tanong ni Joice sa kanya habang napahinto siya sa paglalakad.

"H-Hindi, hindi ko rin alam." Nalilitong sagot ni Ada.

"Bakit ka hinalikan ni Kent?” Nagtatakang tanong ni Joice.

"Hindi ko alam… hindi ko alam..." Sagot naman ni Ada habang nagpatuloy ulit siya sa paglalakad.

Maya-maya pa ay lumapit din sa kanila sila Charm.

"Ang galing mo din ano?!” Sigaw ni Charm sa kanya at hinarang ang kanyang dadaanan ng mga barkada ito at napahinto naman si Ada sa paglakad.

“Naging Miss Campus ka lang, naakit mo na kaagad si Kent? Tssk!" Naiinis na sabi ni Charm.

"Hindi ko siya inakit!" Sagot ni Ada.

"Talaga? Hindi bagay sayo maging inosente!" Pagkatapos ay binuhusan siya ni Charm ng red wine.

"You are bitch! Hindi ka bagay kay Kent!" Galit na sabi ni Charm.

"Right! Look at yourself! Tsk!" sabi ng isa nitong kasama.

"Nakakahiya ka! Hindi papatol sayo si Kent kung hindi mo siya nilandi! Malandi ka!" Sabi ulit ni Charm habang dinuduro siya nito.

Unti-unti namang tumulo ang mga luha ni Ada dahil sa mga sinasabi ni Charm at sa pagkapahiya niya.

"You bitch!" Sabi ni Charm at akmang sasampalin si Ada.

Pero napigilan ito ni Kent at agad na hinawakan ang wrist ni Charm.

"How dare you to touch my girlfriend!" Malakas na sabi ni Kent sabay binitawan si Charm.

Nagtinginan naman sila Charm dahil sa sinabi ni Kent.

"Girlfriend...?" Tanong ni Charm na hindi makapaniwala sa narinig.

"Oo, girlfriend ko si Ada! Don't ever touch my girlfriend, dahil ako ang makakalaban nyo!" Sigaw ni Kent sa kanila habang dinuro sila Charm.

Nagulat ang lahat sa narinig... pagkatapos ay hinila ni Kent si Ada paalis sa lugar.

Nagpasya silang umalis na sa lugar. Pagkasakay nila sa loob ng kotse ay humagulgol ng iyak si Ada at niyakap naman siya ni Kent.

"Shhhii.. tahan na… ayoko ng umiiyak ka." Mahina na sabi ni Kent habang hinahaplos siya sa likod.

"Bakit sila ganun? Hindi ba talaga ako bagay sayo?" Tanong ni Ada.

"Wala ng ibang tao ang bagay sakin... kundi ikaw lang! Wag mo silang pansin, okay. Kaya tahan na…" Sabi ni Kent at pinunasan niya ang mga luha ni Ada ng panyo.

Pagkatapos ay inistart na ni Kent ang kotse paalis sa lugar.

Pumunta sila ni Kent sa sea side na lagi nilang pinupuntahan... 

Dahan-dahan siyang inilalayan ni Kent sa pagbaba ng kotse.

“Dito na lang muna tayo..." Pagkasabi ay inilagay ni Kent ang coat niya kay Ada at naupo sila sa damuhan...

Pinagmasdan nila ang mga bituin sa langit, habang magkayakap.

"Tandaan mo, kahit madami pang nagkakagusto at humahabol sa akin... ikaw lang ang nakikita ko at hahabulin ko, Ada." Masuyong wika ni Kent.

"Oh… Kent..." Tumulo ulit ang mga luha ni Ada...

"Hindi ko kayang makita na sinasaktan ka nila. Kahit ilang beses pa na aminin ko sa kanila na ikaw ang girlfriend ko, gagawin ko yun. Kahit paulit-ulit pa." Sabi ni Kent.

Hinawakan ni Kent ang kamay ni Ada at tumingin siya sa mga mata nito. "Andito lang ako Ada, hinding-hindi kita iiwan."

"Salamat Kent..." Sabi ni Ada at muli siyang hinalikan ni Kent sa mga labi.

Nang tumahan na si Ada ay niyaya ulit siya ni Kent na sumayaw.

Nagtapak sila at dahan-dahang tumayo. Nagpatugtog si Kent ng sweet music sa kanyang cellphone at sumayaw sila sa damuhan.

"Nabitin ako sa sayaw natin kanina... kaya, tara sayaw ulit tayo." Yaya ni Kent sa kanya habang inilahad nito ang kamay sa harapan ni Ada.

Ngumiti naman si Ada at inilagay ang kamay niya sa kamay ni Kent.

“Okay." Tugon ni Ada  na may ngiti at kumapit sa kamay ni Kent.

Dahan-dahan silang sumayaw sa ilaw ng mga bituin sa langit.

Humawak si Kent sa mga baywang ni Ada at kumapit naman si Ada sa balikat ni Kent.

Nakatitig si Ada sa mapupungay na mata ni Kent. Nakakaakit ito pagmasdan at sobrang gwapo ngayon ni Kent. Lalo siyang naiinlove kay Kent.

Si Kent naman ay namamangha din sa kagandahan ni Ada. Kapag naayusan ito, lalong gumaganda.

Maganda ang mga mata nito na may mahahabang pilikmata. Matangos ang ilong at may malalambot na labi...

Tumuon ang atensyon ni Kent sa mga labi ni Ada... at muli pang sinakop niya ang mga ito...