Chapter 90
"Andun sa kwarto tinamad na naman"
"Sige po"
Matapos kong magpaalam kay Tita Mira ay tinahak ko ang kwarto ni Andi. Kinakabahan ako pero kailangan kong gawin to.
Ilang katok bago niya buksan at natigilan nung makita ako. Hinayaan niya lang akong pumasok na walang ano mang sinasabi.
Mukhang wala nga itong ginawa maghapon dahil nagkagulo parin ang higaan.
Hindi ito tumitingin sakin at binalik lang ang tingin sa telepono. Kahit ako rin ay nawalan ng lakas na magsalita nung makitang wala sa mood ang kaibigan.
"Andi"
Hindi parin ito umimik pero sigurado akong nakikinig ito.
"Alam kong masama parin yung loob mo sakin. Hayaan mo nalang muna akong magsalita ngayon"
Tumayo ito sa pagkakaupo at binuksan yung bintana. Tsaka pinatay yung ilaw, kita ko pa kung paano ito napapikit sa natunghayang liwanag.
Kung siguro okay kami baka napagsabihan ko na to ng hindi maganda dahil lumipas na ang araw tsaka niya pa naisipang papasukin ang hangin at araw sa kwarto.
"Nagkamabutihan na yung Mommy ni Rence tsaka si Papa kaya nagkakasama kami paminsan - minsan"
Medyo di nya inasahan ang narinig pero di niya pinapahalata.
"Hindi ko muna sinabi sayo dahil hindi pa nagkabati sila Papa at Tito Mike, mali man pero ayokong pangunahan yung mga nangyari"
"Naintindihan ko"
Agad ko syang tiningnan sa mata pero di ito tumitingin sakin. Mukhang ibang bagay yata ang dahilan ng tampuhan nito.
"Nakakapanibago lang na, nagawa mo ng maglihim sakin. Maintindihan ko naman Cath kung sasabihin mo lang. Nalaman ko pa sa ibang tao na mas pinili mo silang makasama kesa samin"
Nagtaka ako sa ibig niyang sabihin.
"Sinong nagsabi?"
"Hindi na mahalaga, ang importante okay na yung parents mo"
Hindi ko alam pero iba yung ngiti niya ngayon. Parang nagtatampo parin na ewan.
"Si Warren ba?"
"Ha? Hindi no"
Naglakad na naman ito para ayusin ang magulong kama. Tama yata yung hula ko, hindi niya lang inaamin.
"Nagtatampo ka rin ba dahil kasama namin si Warren?"
Minamasdan kong mabuti ang reaksyon nito na pilit tinatago. Akala niya sigurong wala akong napapansin sa kanilang dalawa ni Warren.
"Hindi no!"
"Talaga lang ha? Eh ba't ayaw mong humarap?"
"Nagliligpit pa ako"
"Kung kailan pagabi na tsaka kapa magligpit?"
Humarap ito sakin tsaka umupo sa sariling kama. Nakabusangot na tumingin tsaka dali daling pinaghahagis ang unan nito sa gawi ko.
"Nakakainis ka! Pano mo nakayanan na di ako makausap ng isang linggo?"
Ginawa kong pangharang ang mga unan nito dahil baka meron pang balak isunod.
"Kinaya nga diba? Tsaka may Warren ka naman okay na yun!"
Natatawa kong sagot rito na mas nainis sakin.
Sus akala niya siguro di ko alam na may namamagitan na sa kanilang dalawa.
Yung bunganga ni Warren kayang magtago? Impossible!
"Buti pa si Warren kinausap mo ng matino. Yung isang kaibigan nun di mo na yata naaalala"
"Kailan ko pa nakausap si Warren ng matino?"
Kung ibang kaibigan siguro maniniwala pa ako. Pero si Warren? Wag nalang, kahit anong oras, lugar, okasyon di talaga mawawala sa kaniya ang kalokohan.
"Hindi ko alam, yan lang yung sabi ni Drake sakin"
Nahinto ako sa pagngisi nung tiningnan ako ni Andi ng diretso.
Si Drake?