Chapter 91
Gumaan rin kahit papaano yung pakiramdam ko na umuwi ng bahay. Sobrang hirap pala pag yung katampuhan mo ay yung pinakamalapit mong kaibigan.
Pero umuwi rin ako na may panibagong iniisip. Bakit di ko naalalang e chat si Drake?
Naging okay naman kami, pero di ko akalaing may tampuhan pala ito sakin. Akala ko may ginawang kung ano lang kaya naging busy.
Dalawang tao pala yung nagtatampo sakin. Akala ko isa lang, baka pati sina Jessy at Allen rin sadyang di ko lang napapansin. O pati sina Mich o kaya si Rence?
Agad kong hinanap ang phone at kumustahin yung isang lalaki.
Hindi na ako nagulat nung tinanggap niya ito pero walang ano mang boses ang narinig.
"Drake?"
Wala itong sagot sa kabilang linya pero alam kong rinig niya ang boses ko.
"Hoy! Andiyan ka ba?" Sinubukan kong maging kumportable sa katawagan.
"Andito, ba't ka napatawag?"
Mukhang nagtatampo nga! Sobrang seryoso ng boses, hindi ko na nga masyadong nakikilala dahil ang tagal narin nung huli nitong tawag.
"Wala naman, bored"
"Ahhh, okay"
Ba't ganto to sumagot? Sobrang awkward! May nakalimutan ba ako? Di naman siguro niya birthday no? Wala rin namang special sa date ngayon. Baka may problema, naka istorbo pa yata ako.
"May ginagawa ka yata, tawagan kita mamaya?"
"Sige, kahit wag na"
"Ano?"
Agad niya akong binabaan ng tawag. Problema non?
Dali dali kong tinawagan ang numero nito. Wala akong naintindihan sa pinapakita nitong ugali. May kasalanan ba ako? Nakalimutan? Mukhang wala rin naman.
"Ano?" Inis na boses nito.
"May problema ka ba sakin Drake?" Kahit naiinis ako pero pinigilan kong tumaas yung boses.
"Ikaw yung tumawag tapos hindi mo alam ang sadya mo?" Napalunok ako nung tuluyan ng nag iba ang tono ng pananalita nito.
Hindi muna ako sumagot dahil di ko inasahan ang ganung boses.
"Hello!" Ulit niyang tanong sa kabilang linya.
"Si- sige, syensya na tumawag ako"
Agad kong binaba ang tawag. Tila naapektohan yata yung mood ko sa nakausap na kaibigan.
Hindi naman sya ganun dati, mahinahon, maloko maalaga, mabait, malambing. Ibang tao yata yung nakausap ko.
Dahil sa pagkadismaya ay lumabas nalang ako ng kwarto at nanood ng tv. Paminsan minsan ay naiinip na ako dito sa bahay pero wala rin naman akong gagawin sa labas maliban na lamang kung may kailangan akong bilhin.
Dala dala ko ang telepono habang nanonood ng tv. Sanay na sanay na ako na kami lang ni Manang ang nandito sa bahay.
Pero di rin maiwasang mapatingin sa hawak na telepono.
MGA LIGAW SA GUBAT
@Jessy: Nasa beach yata si Rence
Agad kong binuksan ang groupchat nung tumambad sa phone ang mensahe ni Jessy.
Kasunod nito ay ang screenshots ng mga litrato na inupload ni Erika. Naalala ko pang ako yung kumuha ng mga litrato nito.
@Mich: Yan yung photos nila lastweek
@Allen: Yeah last week nga yan
@Warren: @Jessy saang lupalop kaba nagpunta at di ka updated sa pictures?
Hindi siguro napansin ni Jessy yung behind the scene na kinunan ni Warren at nilagay sa stories. Ngayon lang din namin nakita yung sweet photos nila na akala mo'y wala itong problema. Maliban sa solo pictures nito na nakatagged kay Rence last week.
Kung di niya yun nakita ay mapagkamalan niyang magkasama pa ito ngayon.
@Jessy: Di ko talaga napansin akala ko bago
@Allen: Baka may alam yung jowa niya kung san si Rence ngayon
@Warren: @Erin kausapin mo jowa niya
Kumunot yung noo ko nung inutusan pa ako nitong si Warren. Ba't ko naman kakausapin yon? Eh di naman kami masyadong close baka nga may galit pa yun sakin.