Chapter 89
Hindi ko alam kung anong nangyari pero matapos ang linggong yun ay maraming nagbago.
Wala na akong balita kay Rence, hindi rin naman kami yung tipong palaging magkachat. Tanging tawag lang pag may kailangan at kung ipasama ako ni Papa sa kanya. Pero mula nung linggong yung wala ni isang anino ang nagpakita, kahit active status nito sa Social Media wala.
Pati yung groupchat namin, hindi na gaanong maingay gaya ng dati kahit paminsan - minsan ko lang binubuksan. Kung meron man si Warren lang at iilang mga katanungan ng mga kasama.
Matapos rin ang araw na yun ay hindi na tumatawag si Andi. Naintindihan ko naman na may tampohan, pero nakakapanibago yatang umabot ito ng isang linggo. Hindi narin ito sumasagot sa mga banat ni Warren sa groupchat. Ilang beses kong pinagplanohan na e chat ito matapos ng ilang tawag na hindi sinasagot pero ako yung nahiya sa sarili ko, dahil madami narin akong hindi nasabi sa kanya.
@Jessy: Buhay pa ba tong gc nato?
@Warren: @Jessy Kailan pa huminga ang gc?
@Jessy: @Warren ba't ikaw nalang palagi sumasagot ha? @Mich @Andi @Erin @Drake @Allen @Rence ang daya niyo di na kayo nagrereply
Kahit di ko sinasadya ay agad kong binuksan ang mensahe ni Jessy. Marami rami kaming nakakita pero wala ni isang sumagot.
@Warren: @Andi @Drake anuena?
@Allen: Hey, musta kayo?
@Warren: @Allen ito sobrang pogi
Tanging si Rence lang yata ang hindi online dito pero di ko maintindihan kung bakit hindi sumasagot ang iilan.
@Allen: @Warren di niyo kami sinama ni Mich malapit lang yung Casa Victorina samin
@Warren: @Allen nakita ko lang si Erin at Rence nun kaya napasama ako. Wag na magtampo bb ha?
@Warren: @Andi @Drake wag na magtampo
@Warren: @Mich wag na magtampo ayyieeeee HAHHAHA
@Andi: @Warren nakakatawa?
@Warren: @Andi luhh nabanggit ko lang yung bb sumagot ka agad, pm mo ko! Wag dito EHEHHEHHE
Nasapo ko nalang ang noo sa mga kalokohang dala ni Warren. Ano pa nga bang inasahan ko dun?
Puntahan ko kaya si Andi? Wala naman siguro yung ginagawa sa bahay. Hindi ko na rin nagustuhan tong ganito, para kaming may iniiwasan na di ko alam kung ano.
Tiningnan ko ulit ang phone nung tumunog ito.
Tumambad yung mga numero na hindi nakasaved sa contacts.
"Hello?"
"Hi, Erin?"
Boses iyon ng babae kaya napaupo ako ng maayos. Pamilyar ito pero di ko masabing galing kay Andi dahil kilala ko ang boses niyang yun kahit di pa sya sumisigaw.
"Hi, sorry sino sila?"
"Mich"
Napalunok ako dahil di ko inasahan ang agad na pagtawag nito. Naging magkaibigan kami pero hindi kami yung tipong maraming mapag uusapan sa chat.
"Yes, Mich napatawag ka?"
"May balita ka ba kay Rence? Kung okay lang magtanong"
Hindi ko alam kung anong isasagot dahil nakakapanibagong gagawin niya ang ganito. Marahil naging malapit rin sila ni Rence, sila yung mas nagkaintindihan sa mga bagay bagay pero di ko akalaing mas higit pa yata dun ang nangyari.
"Magkasama kami last week Mich, pero wala narin akong balita sa kanya"
"Erin, gusto mo ba siya?"