Chapter 88

"I can't force myself to have feelings for her Mom"

Tahimik lamang ako sa likod habang patuloy parin ang pag uusap ng mag -Ina.

"How Rence? You've been together for 3 years now. What happened?"

"I really can't see her as a Woman,  you know me Mom I tried to be with her"

Agad natahimik ang dalawa, ilang sandali pa'y huminto ang kotse kaya napalinga linga ako at tiningnan ang kabuuan ng lugar.

"Try to apologize atleast, don't disappoint me Rence"

Hindi ko maintindihan ang mga pangyayari basta agad na lamang kinuha ni Rence ang mga gamit ni Erika na nasa gawi ko lamang.

Nagtama pa yung mata namin ng ilang segundo pero umiwas ito tsaka binuksan ang pinto at lumabas bitbit yung gamit ng jowa.

Hindi ko inasahan ang agad na pag andar ng kotse. Akala ko dun lang kami maghihintay sa labas hanggang sa makabalik ito. Sobrang obvious naman na dito yung bahay ni Erika. Pero bakit kailangan pang pilitin ni Tita Elisse ang anak nito?

Ganun ba talaga ka importante si Erika sa kanya? Kahit ang kapalit nun eh yung kapakanan ng sarili niyang anak?

Gusto kong magtanong pero pinigilan ko lang ang sarili dahil buhay nila iyon.

Tumagal ang isang oras nung makarating na kami ng tuluyan, una akong hinatid ni Papa. Gusto ko mang magpaalam kay Tita Elisse pero mukhang wala parin ito sa mood.

"Pasensya ka na sa nangyari ah, ganun talaga yung dalawang yun"

Tinapik lang ako ni Papa at hinatid papasok ng bahay.

Nagtaka pa tuloy si Manang kung bakit sobrang aga kong nakauwi.

"Oh? Nakauwi na kayo! Musta?"

Nakangiting bungad sa amin na mukhang naistorbo pa yata sa pinapanood.

"Okay lang Manang, basta ipagluto mo nalang tong si Erin dahil di pa kumakain"

"Oh sya sige"

Umupo nalang din ako sa sofa at pinalitan ang pwesto ni Manang.

"Erin, text mo nalang ako ha? Ingat kayo dito"

"Sige pa, kayo rin"

Sinundan ko ng tingin ang Ama na lumabas ng bahay, ilang sandali pa'y narinig ko agad ang ingay ng kotse pahiwatig na umalis na ito.

02 : 17 PM

Sobrang aga pa nga! Hindi man lang ako napagod pagdating pero ramdam ko yung pagkadismaya sa mga nangyari kanina.

Di ko parin talaga maintindihan yung relasyon ni Tita Elisse kay Erika. Di kaya anak ito ng bestfriend niya? O kaya inaanak sa binyag?

Ano na kayang nangyari kay Rence? Sa dami ng naabot ng lalaking yun sa buhay hindi pa pala ito tuluyang masaya. Akalain mo yun naging sila ni Erika ng tatlong taon! Tapos malaman niya lang na hindi niya talaga kayang mahalin.

Nakapa ko ang dalang bag nung marinig ang ingay ng telepono.

*Warren Calling

"Alam kong chismoso ako kaya sabihin mo na ang nangyari"

Doon ko nalang naalalang kasama ko pala tong lalaking to kanina na walang ibang ginawa kundi ang magtanong at mag ingay tungkol sa buhay ni Rence.

"Wala naman, nakauwi na ako"

"Ganun lang? Parang hindi, labanan mo ang katamaran Erin! Labanan mo!"

"Ewan ko sayo! Dyan ka na nga!"