Chapter 87

"Sabihin mo nga sakin kung anong pinagkaiba ng beach at park maliban sa tubig?"

Kulang nalang talaga mahampas ko ng tuluyan tong si Warren dahil sa bunganga nito. Kanina pa to di nagtigil kakatanong.

Buti na nga lang nakalayo na samin si Rence at agad umupo sa isang bench dito sa park. Huling punta ko yata dito ay nung elementary pa kaya di ako sanay sa lugar.

"Hayaan mo na, alam mo naman yung nangyari kanina"

Pagpaumanhin ko sa kanya at nagpatuloy sa paglapit sa pwesto ni Rence.

"Kung di ko lang siya lab, baka umuwi na ako"

"Anong lab? Ang jeje mo"

Pinagsasabi nitong isa? Kahit kailan talaga hindi maiwasang makaisip ng kalokohan. Inunahan ko na sya sa paglalakad dahil baka ano pang magawa ko sa susunod niyang sasabihin.

"Agay!"

Agad akong huminto nung mapansing malalim ang iniisip ng kasama.

"Sorry"

"Ba't kasi nagsapatos ka pa?" Inis na wika nito sakin dahil naapakan ko ang isang paa.

"Sabi ko nga sorry. Dito nalang kaya muna tayo baka gusto niya lang mapag isa"

Ilang hakbang nalang yata para umabot sa pwesto ni Rence. Pinagmasdan lamang namin ito na seryoso ang tingin sa hinahawakang bagay.

"Di kaya may ka meet up yan? Baka nag order online? O kaya may ka date?"

"Ewan ko sayo manahimik ka nga"

"Aysus, concerned citizen"

Hindi ko na napigilan at nahampas ko sya sa braso dahil sa pinagsasabi nito.

Ilang minuto kaming naghihintay sa pwesto na yun, tanaw tanaw ang ginagawa ni Rence ng ilang sandali pa'y agad itong tumayo at may katawagan.

Dali dali kong naistorbo ang kasamang seryoso sa paglalaro.

"Kainis!! Ano ba!"

Mabilis na naglakad si Rence papunta samin, mukhang mayroon hindi magandang balita.

"Hurry up" wika nito at umunang naghanap ng tricycle.

Kinabahan ako dahil hindi ko sya nakitang ganun ulit.

Kaya wala kaming choice ni Warren kundi ang magmadali rin.

Kahit nakasakay na kami ng tricycle ay patuloy parin yung tumatawag sa kanya pero wala kaming narinig na anong sagot mula rito.

Bago pa may sasabihin tong si Warren ay pinaglakihan ko na sya ng mata.

Ilang sandali pa'y pamilyar na ang paligid, pahiwatig na bumalik na kami ng Casa Victorina.

Hindi pa huminto ang tricycle ay tanaw ko na sa labas sina Tita Elisse at pamilya nito. Baka andon na si Papa sa kotse.

"Get Inside the car" sinalubong si Rence ng Mommy nito.  Hindi ko alam kung galit o hindi dahil kalmado ang boses pero ibang iba sya sa nakasanayan ko.

Sabay kaming lumabas ni Warren sa likod ng tricycle. Napasulyap pa si Tita Elisse sakin pero di nagsalita tsaka sinundan ang anak na umuna ng tinahak ang kotse.

"Warren, chat nalang tayo"

"Balitaan mo ko, damay damay nato!"

Hindi ko na pinansin ang sagot niya at dali daling hinanap ang sasakyan.

Pagpasok ko agad sa kotse ay napatingin si Papa sakin. Mukhang nagpaalala na manahimik na lamang dahil sa maaring mangyari sa loob.

Nagpalit kami ni Rence ng pwesto kaya nasa likod lang ako. Napansin rin ang ilang gamit ni Erika na hindi naayos sa likod.

Tahimik lamang kami na umalis ng Casa, nasa labas parin yung pamilya nila Tita Elisse. Doon lang ako nakapag isip na baka sila Rence lang ang may problema dahil sobrang aga pa para umuwi.

Ilang sandali pa'y hindi ko inasahan ang madugong englishan ng mag Ina sa loob. Jusko para lang akong nanonood ng live teleseryse pero kailangan ng subtitle.