Chapter 86
"Nasa pool si Rence. Babalik ka na?"
Wala akong nakitang Erika at Rence sa loob ng cottage. Tanging mga mas matanda lang sakin ang nag usap usap doon. Iniwan ko nalang muna yung mga gamit niya sa tabi ni Papa dahil para akong Personal Assistant ng isang Celebrity.
Tanaw ko sa kabilang parte ng parisukat ang nakaupong lalaki kasama yung mga pinsan nito. Mukhang may balak maligo dahil nakalubog na ang mga paa sa tubig.
"Mamaya pa kami uuwi, dito muna ako"
"Ikaw bahala"
Sabay naming tinahak ang pwesto ni Rence na nasa kabilang dapit. Naglakad pa tuloy kami sa gitna ng pool, marami rami rin ang naliligo halos mga bata na hindi pinayagang maligo sa dagat.
"Bakit wala si Erika?"
Hinanap ko agad ito matapos marinig ang pangalan. Asan nga ba yun? Wag niyang sabihin umunang umuwi?
Ilang lakad nalang ay napansin na kami ni Rence pero wala akong nakitang emosyon dito.
Sumunod lang ako sa nangungunang si Warren. Parang sanay na sanay na syang gumala sa lugar na to.
"Taga rito ka ba?"
"Hindi ah, ang mahal dito! Tsaka 30 mins travel yata mula samin"
Atleast mas malapit, hindi gaya namin halos dalawang oras bago makarating.
Natahimik rin kami nung lumapit na sa pwesto nila Rence. Syempre nahihiya parin dahil kasama niya ang mga pinsan. Baka di kami pansinin ng lalaking to, wala pa naman sa mood.
"Erin is here"
Nakangiting bungad ng pinsang babae ni Rence, ito yata yung kapatid ng Ama ni Ibo. Siguro nasa 27 yata, pero mukhang bata rin tingnan.
Kumaway lang ako rito tsaka ngumiti. Pansin ko ang paghawak ni Rence sa damit ko mula sa likuran. Parang bata na hindi napansin ng bisita.
"Hello po!"
"Your boyfriend?"
"Hindi po, kaibigan namin ni Rence"
Napagkamalan pa kaming magjowa nitong si Warren. Hindi ko yata maimagine.
Ilang sandali pa'y tumayo ang wala sa mood na kaibigan at agad tumabi samin. Tsaka ito nagpaalam sa mga pinsan na umalis sandali.
"Rick kid ka talaga no?"
Nasiko ko ng tuluyan ang walang prenong bunganga nitong isa. Pati ba naman yun di pinalampas.
Tahimik parin si Rence na sumasabay saming maglakad. Di ko nga alam kung saan kami pupunta.
Hindi ko maiwasang sulyapan ito ng panandalian. Gusto kong tanungin kung saan si Erika. Impossible namang umuwi na? Baka nandun lang sa kotse naghihintay. O baka may kung anong plano na naman yung hinahanda.
Napansin kong hindi beach ang punta namin. Nangunguna ng maglakad si Rence kaya agad kaming nagtinginan ni Warren at agad nagkibit balikat.
"Ayoko pang umuwi Rence ha"
"We won't"
Dumaan kami sa dami ng mga kotseng nakaparada pero ang pinagtataka ko lang ay diretso lang ang lakad ni Rence hanggang makalabas na ng gate.
"Don't worry, we'll be back here before lunch"
Seryosong tugon nito samin.
Ngayon ko lang natingnan ang kabuuan ng lugar, hindi malayo sa pinuntahan naming university nung nakaraang buwan. Pero huwag na nating balikan ang ganun.
May kung anong tricycle ang lumapit samin at agad nagtanong kung saan kami pupunta. Hindi ko inasahang lalapit si Rence dun at makipag usap.
"Balak yata tayong iligaw nitong isa"
Tiningnan ko ng masama si Warren dahil sa bunganga nito, akala niya sigurong sobrang layo ng tinutukoy niya.