Chapter 85
"Erin sandali"
Rinig kong tawag ni Warren habang hinahabol ko parin yung dalawa na medyo nakalayo layo na samin.
Dala dala ko tong damit at sumbrero ni Erika, patuloy ko paring sinusundan ang mga to kahit lumiko na ng parisukat.
Ilang sandali pa'y may kung sinong humawak sa braso ko na nagpatigil sakin.
Hingal na hingal si Warren na nasa likod ko ngayon, tila hinahabol ang sariling hininga.
"Hayaan mo silang makapag usap, Erin"
Hindi ako kumurap at napaisip sa suhestiyon ng kaibigan. Nahimasmasan narin ito kaya siya ang nangunang nag aya sakin na magpatuloy sa paglakad.
"Pero pano tong mga gamit ni Erika?"
"Problema na niya yun"
Sabagay, hindi naman siguro basta basta aalis yung si Rence na hindi mapapansin ang soot ng jowang humahabol sa kanya.
"Wala naman talaga akong alam sa relasyon ng dalawang yun, kaya lang di ako sanay na ganun si Rence, alam mo yun pigil na pigil"
Base sa pagkasabi nito parang dinamdam niya talaga yung salitang "pigil na pigil" dahil pati kamao nito ay nanggigil rin.
Di ko nga maintindihan yung punto nun pero hinayaan ko nalang at patuloy na nakikinig.
"Kung ganun ba naman ka gwapo, sinong babae ang di magkandarapa dun"
Kung yung labas na kagandahan lang ang basehan ng pagiging gwapo, pasado si Rence. Pero kung isama pati kagandahan ng loob at taba ng utak umaapaw na yung sa kanya.
"Wait, nagseselos ka ba?"
Kumunot yung noo ko na nilingon si Warren. Nakangisi na itong humarap sakin at agad akong inakbayan.
"Di no! Ang tahimik ko nga lang dito"
Tinanggal ko yung mabigat na braso at umiwas sa kanya.
"Talaga lang ah? Sabi ni Andi niligawan ka daw niyan, nagtaka nga ako bakit kasama si Erika"
Anong niligawan? Ako? San niya naman nakuha yung balitang yun aber?
"Hoy! Hindi no, naniwala ka naman kay Andi"
Mapapahamak pa tuloy ako ng kung anong chismis.
"Oh sige! Kung hindi, bakit kayo magkasama?"
Bakit kami magkasama? Bakit nga ba?
Pano ko ba sasabihin na, yung Mama niya at Papa ko ay nagkamabutihan na? Kaano ano ko ba talaga si Rence? Step Brother? Eh di naman kasal yung parents namin.
"Magkatrabaho yung parents namin"
Pagpaliwanag ko sa kanya na mukhang tumalab naman. Hangga't maari ayoko munang pangunahan sila Papa at Tita Elisse. Iniisip ko rin si Andi pag nalaman niya dito kay Warren tiyak magtatampo yun.
And speaking of .....
"Aha! So nag uusap pala kayo ni Andi ha"
"Ha?"
Tila nailang ang lalaking kasabay na naglakad at di na kailanman tumingin sakin.
"Oo naman, friends you know"
"Talaga? Ba't di ko yata nabasa sa gc yang convo niyo?"
Huminto na ito ng tuluyan at tumingin lang sakin. Naubosan yata ng isasagot kaya inakbayan nalang ulit ako at nagmadaling maglakad papunta ng parisukat.
"Tara na nga! Hindi talaga maganda sa kabataan yung medyo chismosa, kaya ikaw anak wag kag gagaya sa kung sino dito ha?"
"Ginagawa mo"
Natawa nalang ako sa agad na pagbaling ni Warren sa ibang usapan. Ginawa pa akong anak, ang bilis talagang makahanap ng kalokohan. Pero ramdam ko talagang may hindi sinasabi tong dalawa samin.