Chapter 84

Halos di ko na alam kung saan titingin dahil meron akong iniiwasang mga kasama.

Wala nang masyadong tao ang pumarito, kaya kumportableng nakapang akit si Erika sa jowa niya.

"How about this?"

"Nakss, mowdel ka gurl"

"I know right"

Di ko rin maintindihan kung bakit umiiwas ako sa tatlong kasama, wala naman akong ginawang kung ano ano. Sadyang di ko lang inasahan ang gantong pangyayari.

Sinubukan kong kumilos ng normal at hindi naninibago sa natunghayan.

Ngayon ko lang din mas lalong natingnan ang soot ni Erika, lumabas yung kaputian nito sa kulay itim niyang  swimsuit.

Maliit na babae kung ituring pero may ibubuga. Yung tipong hindi pangit tingnan. Dala narin siguro ng edad kaya ganun ka swerte sa harapan. Hindi gaya ng mga kaklase kong halos pader kung ituring.

"Close your legs"

Di ko sinasadyang mapaubo sa sinabi ng lalaki.

Grabe!!! Buti napigilan nitong si Rence. May iba talaga sa dalawang to! Kung magjowa sila bakit pakiramdam ko si Erika lang ang may alam nun.

Ayon kay Rence, wala na sila pero wala paring nagbago mula nung una kong nakasama si Erika. Kahit pag iingat o paglalambing mula kay Rence ay wala akong nakita.

"Erin, halika dito"

Nanghina ako matapos maalala ang dapat gawin. Oras na yata para kapalan ko ang sariling mukha para di matinag sa kalandian ng dalawa.

Wala paring reaksyon si Rence na tumabi kay Erika. Para tuloy magjowa na hanggang tingin lang ang lalaki dahil bawal maligo habang ang katabi naman nito ay kaka ahon lang sa dagat pero mabilis lang natuyo ang saplot.

Nawala ng mabilis yung kontrol ko sa pagkuha ng litrato. Pwede naman kasing si Warren nalang!

Nagsimula ng gumawa ng postura si Erika, tila ginagabayan pa ang kasama sa dapat gawin.

Pinigilan kong manginig at pagandahin ang pagkuha.

Makikitang mong sunod lang ng sunod si Rence sa gusto ng babae.

"Behind the scene, gandahan mo Erin ha"

Hindi ko pinansin ang pinag gagawa ni Warren sa gilid.

Nakatutok lang ako sa dalawang magjowa, hanggang sa punto na to mahirap basahin ang reaksyon ni Rence.

Akala ko ba ayaw niya dito? Pwede naman siyang humindi.

"Ang lamig dito pero bakit ang init parin"

Kahit ako rin ay napalunok sa ginawa ng dalawa.

Hindi kinaya ng mata ko nung wala na akong makitang espasyo sa gitna.

Ngayon ko lang nakuha ang puntirya ng babae. Hindi ako sigurado pero ito talaga yung pakiramdam ko. Inaakit niya ng tuluyan si Rence dahil makita mo ditong mas dinidiin niya ang sarili sa maselang parte.

Gusto kong sabihan ang dalawa pero baka ano pang iisipin ni Erika sakin.

Paniguradong alam rin ni Rence ang ginagawa niya kaya nagpatuloy lang ako sa pagkuha ng litrato.

Parang nagtitimpi lang ang lalaki sa gusto ni Erika, gaya na lamang ngayon na pilit ipahawak ang nakataas na binti nito.

Sinadya kong tumigil at ipakita sa mga to ang nakuhang litrato.

"Okay ba yung pagkakuha ko?"

Makikita mong nadismaya si Erika sa paghinto ko, kaya agad ring lumayo si Rence ng panandalian.

Binalik ko na ang phone sa kanya,  nagtagal ito sandali dahil mukhang iniisa isa pa ang mga pictures habang hinihintay ko ang masasabi nito.

"I like this one, pero kulang parin"

Natahimik nalang ako matapos marinig ang kumento ni Erika. Hindi ba to napagod o nahiya man lang?

"I'll go first"

Sabay kaming napalingon kay Rence na umunang umalis.

"Hey, rencyyyy!"

Dali daling sumunod si Erika dito suot suot parin yung malaswang saplot.

Nilingon ko kung saan nakalagay yung mga damit nito kanina tsaka agad itong sinundan.