Chapter 83
Pagkabalik ko ng bag ay tuloy parin ang kwentohan ng mga ito maging sila papa. Maliban na lamang tong isang lalaking konti nalang ay mag- abot ang kilay na nakatutok ang tingin sa phone.
"Rence, pupuntahan ko lang si Warren" Di ito sumagot at agad na tumayo.
Umuna itong lumabas ng cottage, hawak hawak parin yung phone.
Okay? Mukhang may nangyari yata. Sinundan ko lang sya, habang di gumawa ng kung anong ingay.
Nakalabas na kami ng parisukat, kaya tanaw ko na ang tubig dagat.
Mas nangunang naglakad si Rence kaya nagkaroon ako ng pagkakatong masulyapan ito ng panandalian. Kanina pa to hindi umiimik, may problema yata itong dinaramdam o baka dahil sa pilit isama ni Tita Elisse si Erika?
Naging mag jowa talaga sila? Di ko talaga ma imagine si Rence na naglalambing dun sa babaeng yun. Mukhang di nga rin sila magkasundo.
Tuluyan na kaming nakaabot sa dalampasigan.
Mas dumami yung mga naliligo dito, hindi sya typical na dagat na madali mo lang malapitan yung mga cottages niyo.
Talagang sinadya na walang kahit anong kubo kubo ang nandito. Kung di mo iisipin ang parisukat para ka lang nasa Isla dahil kita mo parin ang iilang puno sa gilid.
Tanaw ko mula rito ang nakaluhod na Warren, talagang kinareer niya ang pagiging photographer. Buti hindi naisipang mag swimsuit nitong si Erika.
Nilingon ko si Rence na dismayado parin ang mukha, ano ba kasing problema nito.
"Rencyyyy!!!"
Hinto ng dalawang nagphotoshoot at kumakaway kaway samin. Nakuha ni Erika ang atensyon ng iilan dahil sa nagawang ingay nito.
"Ang tagal niyo, ayaw yata akong pauwiin nitong isa"
"Told you, it's Erika"
"Sorry bro" pagpaumanhin ni Rence.
Para tuloy batang kapatid nito ang sariling jowa dahil sa perwisyong dala kay Warren.
"Fine, I'll stop na! But! In two condition!"
Dalawa talaga? Bago yun ah!
Napaiwas ako ng tingin dahil di ko alam ang plano nitong babae.
"Nako di ko yata gusto yang plano mo sissy!"
"Shut up!"
Yung tingin ko nasa kawalan pero yung tenga ko naghihintay sa sasabihin ni Erika. Katabi ko lang si Rence kaya madali ko lang nasulyapan ang paglapit ni Erika sa jowa.
Kinuha nito ang dalawang kamay ng lalaki tsaka tumitig.
Di ko alam pero kinabahan ako sa sinasabi niyang kondisyon.
"First, take a photo of me, exposing my swimsuit"
Walang ano ano ay napatakip ako ng bibig, sabayan pa ng kalandian ng pagkasabi nito.
Jusko! First palang yun!
"Si - sige, halika dito!"
"Not you Warren"
Parang gusto ko yatang magpalamon sa lupa dahil parang ako yung nahiya kay Erika.
Liningon ko na sila ng tuluyan, magkahawak parin ang parehong kamay nito.
Di ko alam kung ano yung naging reaksyon ni Rence kanina basta hindi sya natinag ngayon. Tila nilalaro niya yung pagtitig ng babae.
Nako nako! Parang nakita ko na sa pelikula yung gantong eksena, matagal magtitigan tapos palapit ng palapit.
"After that, Erin will take a photo of us together"
"Huh?"
Nanlamig yata ako sa narinig. Nadamay pa ako sa pinag gagawa niya.
Jusko! San niya ba nakuha yung planong yun!
"Sure!"
Nagulat ako sa naging sagot ni Rence tsaka umunang naglakad.
Ngumiti ang babae at agad na sumunod. Gulat parin kaming naiwan ni Warren.
"Luhh! Di man lang ako sinali"