Chapter 82

"Hindi no! Ba't ka nandito?"

Di ako sinagot ni Warren pero yung mga mata nito ay pabalik balik na tumitingin samin ni Rence. Tila may naiisip na kalokohan.

"She's with us, how about you?"

"I'm with you, ayyieeeeee"

Umiwas  kami matapos marinig ang sagot nitong isa. Di parin talaga nag bago, isang buwan na yata ang lumipas matapos naming makauwi ng kanya kanyang bahay.

"Tara na" walang gana kong aya kay Ibo pati na rin kay Rence at di pinansin si Warren.

"Hoy grabe kayo!"

Sumusunod parin ito samin pero walang niisang pumapansin.

"Noooo"

Anak ng! Kung saan balak naming bumalik ng parisukat ay siya namang hinto nitong si Ibo.

Parang ang sama ko tuloy tingnan dahil pinipilit ko parin maglakad ang bata kahit ayaw niya.

Ilang sandali pa'y hinawakan ni Rence ang kabilang kamay nito at pinuwersang magpatuloy sa paglalakad.

Sa lakas pa naman nitong isa kaya walang choice ang bata na sumabay samin kahit tinataas na nito ang mga paa.

"Pano niyo nagawang ilihim samin to Erin? Rence"

"Manahimik ka"

Ba't kasi dun pa kami napadpad? Kung alam ko lang na posibleng makita namin si Warren dito ay di na sana ako nagpatuloy maglakad lakad.

"Isang buwan pa nga lang, may nabuo agad? Ang bilis naman!"

Kapwa kami nahinto ni Rence at nilingon yung lalaking kanina pa sunod ng sunod.

"Hehhehe sabi ko nga uwi nako"

Agad itong tumalikod kaya napailing nalang ako. Di parin talaga nag bago.

"He's crazy"

"You! Wait!"

San ba nagpahinga tong si Erika at basta nalang sumusulpot.

"Let's go Erin"

Gusto kong matawa sa itsura ni Warren ngayon na kinausap ni Erika. Yan bagay sayo! Mukhang di ka titigilan niyan hanggang di mo makunan ng magandang litrato.

"Agay! Ito na nga!"

Napasunod ako ng basta basta dahil sa pagpupumilit ni Rence. Tiningnan ko si Ibo na dinalaw ng antok, kaya pala di na nagsasalita.

"Kakargahin ko nalang Rence, inaantok yata"

Tumango lang ito sakin at hinayaan akong kargahin si Ibo. Ilang lakad narin lang naman bago kami makabalik ng sariling cottage.

Nagulat ang mga ito nung makita kaming tatlo.

"God's gracious! Tingnan mo tong anak mo Luis, nakakahiya sa bisita"

Pagpaumanhin ng panganay na kapatid ni Tita Elisse sakin. Siya yung pinakamalapit kaya ganun yung reaksyon nito nung makita kami. Agad niyang binawi si Ibo na nakayakap sakin.

"Okay lang po"

"May extra damit ka ba?"

"Meron po"

Lumapit ako sa pwesto nila Papa na tumingin rin sakin.

"Sorry about that Erin" wika ni Tita Elisse nung makaupo ako.

"Okay lang Tita, may extra damit naman ako"

Tumango ito at tiningnan yung anak na tahimik lang tumabi sakin.

"How about Erika?"

Di ako sumagot dahil pinagtuonan ko ng pansin yung dalang bag. Pero naghinhintay parin ako sa sagot ni Rence.

"Taking photos" walang ganang sagot nitong isa.

Nagpaalam muna ako para magpalit ng damit kaya di ko na alam ang kinuwento ni Rence.

Di nalang ako maliligo dahil ilang oras lang din naman ay uuwi na kahit sobrang aga pa.