Chapter 81
Natahimik nalang ako nung naabotan ng alon si Ibo. Karga karga na ito ng Tito niyang mas nastress dahil nadamay yata ang soot niyang footwear buti di naisipang magsapatos ang hilig pa naman niya nun.
"Look what you did!" Inis na sabi ni Erika sa bata nung makalayo na kami sa mga naliligo.
"Don't try Erika"
"Ba't kasi sumama pa"
"I told you, don't try"
Napailing nalang ako dahil dinagdagan pa nitong babae yung sakit ng ulo ni Rence.
Linapitan ko si Ibo at yumuko ayon sa tangkad nito para mag abot kami, akmang patahanin dahil hinawakan lang ito ng Tito niya. Pero di ko inasahan ang agad na pag yakap ng bata sakin tsaka nagpatuloy sa pag iyak.
Maliit na bisig ang nakapalibot sa leeg ko ngayon, buti di ako pwede umupo dahil sa soot ko dahil pati ako ay tiyak mababasa.
Pero sobrang awkward ng postura ko ngayon, di ko naman pwedeng tanggalin basta basta ang bisig nito sa leeg ko dahil baka mas lalong umiyak.
"Let's go Ibo"
"Nooooo"
Agad kaming nagtinginan ni Rence dahil kahit ako ay hindi makagalaw ng maayos.
May dala naman akong pamalit kaya pwede ko sigurong kargahin to. Pero ang laking bata na nito, kakayanin ko ba? Di pa naman ako sanay magbitbit ng bata.
"Gosh, I wanna take my ootd na"
Ilang sandali pay wala akong choice na buhatin ito. Umayos si Ibo sa pagyakap sakin at di na gaanong umiiyak, simpleng hikbi nalang.
"Thank You Erin, you're a life saver!" Nakangiting wika ng babaeng at akmang kaladkarin ang jowa papunta sa may tubig.
Pero nadismaya ito nung di natinag si Rence.
"What?"
"We'll take one later"
Walang choice tong isa na tumabi sakin at mas tinoonan ng pansin ang sariling telepono.
"Ibo? You have to change your pants"
"Noo"
Kahit anong pilit ni Rence ay di parin pumapayag tong bata.
"Ibo? I have candies here you want?"
"Monster"
"What the???? Ano sabi mo?"
Ayan na naman siya!
Di ko alam kung bakit mas pinili kong maglakad papunta sa di malamang direksyon.
"Monster"
Rinig ko paring bukang bibig ng bata habang karga karga ko.
Marami rami narin yung mga naliligo dito dahilan kung bakit ako napatigil.
"Am I heavy?"
"Yes, you are" sagot ng Tito malapit sa gawi ko. Di ko napansin na nakasunod pala to samin.
Sinubukan kong lumingon sa likod at hanapin si Erika dahil di ko narinig ang boses niya.
"Jowa mo dun oh! Naiinip na yata"
"My ex"
"Hmmm bet na bet pa naman ni Tita sayang!"
Di ito sumagot at umiling lang, napatahimik rin ako dahil baka ayaw niyang pag usapan.
Ilang sandali pay gumalaw yung bisig ng bata sa leeg ko. Hinayaan ko lamang at baka gusto ng bumaba.
"Finally! Let's change your pants now"
Di pinansin ng bata ang sinabi ng Tito nito pero nakahawak na naman sa may pulsohan ko.
Tiningnan ko yung sariling soot na nabasa rin dahil sa pagyakap ni Ibo.
"You should change too Erin"
Ba't kasi nag white blouse pa ako, para tuloy awkward tingnan dahil masyadong manipis yung soot pantaas.
"Di ko alam may pamilya na pala kayo"
Nakarinig ako ng pamilyar na boses kaya agad kong hinanap ang pinanggalingan nito sa likod.
Kapwa kaming nagulat ni Rence nung makita ang kaibigan.