Chapter 80
Napakapit ako kay Papa nung huminto kami sa iilang bilang ng tao na sa amin ang atensyon.
Ibinaling ko nalang ang tingin sa kabuuan, magkahalong bago at tradisyonal ang estilo ng bawat cottage mukhang pinagplanohan talaga ito dahil matingkad at pulido parin tingnan.
Hugis parisukat ang magkahanay na kubo na pinalibutan ang malaking pool sa gitna. Kita mo sa kabilang dapit ang mga bagong dating na bisitang kagaya namin.
"Iha, have a seat"
Boses iyon ng babaeng nasa 50+ ang edad. Mukhang mabait ito at maao ang mukha. Tinahak ko ang pwesto ng magjowa na kahit sa pag upo ay ayaw maghiwalay. Habang nasa kaliwa naman ang Ama na katabi rin si Tita Elisse.
Ginawa pa kong fifthwheel na tahimik lang sa gitna.
Ilang oras ang lumipas ay hindi na ako nakaramdam ng ilangan sa mga kasama. Bukod sa may kanya kanya itong kwentohan at pinag gagawa, wala akong nakitang negatibong reaksyon sa akin.
Nakabisado ko na rin yung iilan sa mga ito, gaya na lamang nung babaeng unang bumati sakin. Siya yung panganay nila Tita Elisse, may kasama itong asawa at dalawang anak, mukhang apo rin niya yung kanina pa labas ng labas sa parisukat.
Ewan ko parisukat daw tawag pag lumabas ka na sa magkahanay na cottages.
Yung pangalawa naman si Tita Elisse, wala naman akong iba pang masabi dahil mas una ko syang nakilala kumpara sa mga kapatid nito.
Ang pangatlo ay lalaki, may katabaan ito pero yung kutis parang babae na mas lalo mong mapapansin dahil umaangat yung taba parang nahila yata ang sariling balat sa sobrang nipis. Makikita mo agad na bagong pamilya palang ang binukod nito, mahinhin yung asawa na may lahing chinese dala dala ang maliit na supling nito.
Habang ang bunso ay mapagkamalan mong tahimik dahil sa hitsura nitong may sobrang kapal na eyeglasses. Maisip mo agad na mahilig magbasa dahil bawat galaw ng kamay ay pabalik balik para ayusin ang nakaharang sa paningin.
Kung di ko sila kilala mapagkamalan kong pamilya na halos nagtrabaho sa Ospital. Lalong lalo na yung bunsong babae, yung tipong magaling na estudyante nung nag aaral pa kaya siguro ganito ang mata, parang nasa edad 35 yata pero wala itong kasamang dala.
"Erin, are you fine?"
"Yes po, Tita" nahihiya kong sagot tsaka ngumiti ng pilit.
Nagulat ako nung maramdaman ang agad na paghawak ng kung sino sa kaliwang kamay.
"Beach tayo?" Nakangising wika nito sakin.
Tong babaeng to talaga ang hilig manggulat kung nung una dahil sa boses nito, ngayon naman pabigla biglang humahawak. May lahi yatang kabote tong jowa ni Rence. San niya kaya to nakilala?
Ilang sandali pay magkasunod na kaming lumabas ng parisukat.
Para tuloy akong naging third wheel sa magjowang to!
"Iboooo, where are you going?"
"Renceeee"
Nahinto kaming tatlo nung may namumuong ingay sa loob ng cottage.
Tsaka lumabas yung bata at lumapit sa gawi ni Rence, tila nagpupumilit sumama.
"Ibo, ask your Tito Rence first" wika ng Ama ni Ibo, tumango naman ang bata pero di namin maintindihan ang sinabi nito.
"We'll take care of him" walang choice na sagot naman nitong isa at nangunang maglakad.
Tanaw ko na rito yung tubig, na nagpapaexcite rin sakin. Napagdesisyonan ko ng huwag maligo dahil di rin naman ako mag eenjoy.
Musta na kaya si Andi?
"Rencyy, pano na yung photos ko?"
"Can't you see? I'm with Ibo"
Napabusangot nalang si Erika na tumabi sakin. Sayang naman tong outfit niya kung di maibandera. Ang init na naman ng ulo nitong si Rence pero gustong kasama tong isa.
"Ibooo"
Dali dali kaming nagsitakbuhan nung bumitaw ang bata at gustong makisabay sa mga naliligo.