Chapter 79

"Why not? He's a nice guy, Erin"

Taas baba ang kilay ng lalaki na nagpabusangot sakin.

"Wala akong sinabing hindi" Tumalikod ako at mas tinoon ang tingin sa harap.

"Hmm, atleast you know" patuloy niyang sabi.

Di ko maintindihan kung bakit parang pinipilit niya si Drake sakin. Di naman sila ganun ka close dati.

Nagpatuloy lang ako sa pagtitig sa kawalan, walang ideya kung saang lugar na kami napadpad.

Napaupo lang ako ng maayos nung humito ang kotse.

"Here we go again"

Rinig kong wika ni Rence tsaka binuksan ang pinto.

Tumambad ang babaeng akala mo'y nasa shoot ng isang commercial ng shampoo.

Nakapang beach yung outfit nito, literal na bulaklakin na umabot pa hanggang paa ang haba at may soot soot pang sunglasses.

Mukhang nag aksaya pa ng ilang oras sa pagkulot na tinabunan lang ng malaking sumbrero.

Pinipigilan ko ang tawa nung umiling ang boyfriend dahil di parin pumasok si Erika.

Nagkunwari nalang akong may ginagawa sa telepono habang hinihintay na magpatuloy kami sa byahe.

Sa inasahan, magkatabi na naman ang magjowa. Rinig na rinig ko ang inis na boses ng lalaki dahil sa kasama nito. Kung maging lalaki rin ako, ayokong mag jowa ng sakit sa mata, tenga at saang parte pa ng katawan.

Buti nalang talaga maswerte akong naging babae.

"Rencyyy, we're hereeee!!"

Napatakip ako sa tenga nung umalingawngaw sa loob ng sasakyan ang ipit na boses ni Erika.

Wala akong choice kundi umupo mula sa pagkakasandal at inayos ang sarili pati yung dalang bag.

Simple lang yung soot ko na di mo akalaing may balak pang pumunta ng beach. Kulay beige na above the knee maong skirt at white blouse. Nakasoot pa ako ng light brown comfy shoes na kulang nalang mapagkamalan akong nakapaa sa malayuan.

Umunang lumabas si Erika at di ko alam kung saang lupalop iyon nagtungo dahil andito parin ako sa loob.

Sinundan rin nina Tita Elisse at Rence.

Nadatnan ko si Papa na nakatingin sakin mula sa repleksyon.

"Okay ka lang Erin?"

"Dito nalang kaya ako sa loob? Nahihiya akong lumabas"

Agad itong napangiti at may inayos sa pwesto tsaka lumabas. Sinundan ko ng tingin ang direksyon nito na dito papunta sakin.

"Mababait sila, wag ka ng mahiya"

Kahit desidido na akong dito sa loob mag antay di parin ako nagtagumpay dahil bumalik si Tita Elisse at Rence.

Tatlong tao na ang nagpupumilit sakin kaya wala akong choice kundi ang sumama sa kanila.

Madaming nakaparadang sasakyan ang una kong napansin.

Ilang lakad palang kasama sila ay di ko na kinaya dahil di maitatangging naging atraksyon ang mag ina sa bawat dinaanan namin.

Sino ba kasing nagsabing makisabay kami dito ni Papa.

Simple lang yung soot ni Tita Elisse pero mangingibabaw parin yung karisma. Sabayan pa ng anak na walang paki sa mga tumitingin sa kanya, basta ang alam niya lang naglalakad ito papunta sa venue.

La Victorina Beach Resort

Napahinto ako sa pangalang natanaw ilang distansya ang layo mula sa pwesto.