Chapter 78

"Sige na Cath, sumama ka na!" Pagpupumilit ni Andi sakin at ayaw akong payagang umuwi ng bahay.

6: 12 Am

Hindi pa halos tapos yung Misa pero kailangan ko ng umuwi dahil baka andun na si Papa. Kaya lang pinipigilan ako nitong isa.

"May lakad kasi kami ni Papa, tsaka kasama mo naman family mo dun"

"Duh! Di ka naman iba sa kanila, andun rin naman sila Tito Mike ah! Ba't ayaw mong sumama?"

Pano ko ba kasi sasabihin kay Andi na si Tita Elisse talaga yung nag aya sakin.

"May reunion din kami, sa ano, sa beach!!"

"Di ka marunong magsinungaling" nagtatampong sagot nito sakin.

Nasanay din kasi akong sumasama pag may gathering ang pamilya nitong si Andi, baka ngayon lang di pwede.

"Una na ako ah?" Mahinahon kong sabi sa kanya at hinawakan pa ang kamay nito. Para tuloy kaming magjowa dahil nagtatampo tong isa.

Tumango lang ito sakin, wala din naman akong choice at umunang umalis ng simbahan.

Ramdam parin ang lamig ng umaga pero di na gaanong kadilim. Naglakad lang ako pabalik ng bahay at nadatnan ang kotse na nakaparada sa labas ng gate.

Agad na lumabas ang Ama kaya dali dali akong pumasok ng bahay at kunin yung nakahandang bag.

"Manang, alis na po kami" paalam ko kay Manang Lucy na inaantok parin na nakaupo sa couch.

Tumango lang ito matapos sinundan ako palabas ng bahay.

Pinagbuksan ako ng lalaki, kapansin pansin ang bagong ligong buhok nito tsaka ako pumasok at bumati sa dalawang tao sa harap.

"Nagsimba ka?" Agad na tanong ng Ama nung makapwesto na ako.

"Ngayon lang"

Andito na naman tayo, balik tahimik na naman. Pilit kong tinitingnan si Tita Elisse na nasa tabi ni Papa sa harap.

Mukhang tulog yata ito at tinakpan ang mata ng specs na akala mo'y artista sa postura.

Walang nagsalita samin habang nasa byahe kami. Maging si Rence sa likod ay tahimik rin, wala yata sa mood kanina at sapilitang ginising para maligo ng ganun kaaga.

"Rence, tinext mo na ba si Erika?"

Kumportable akong nakasandal sa gilid nung marinig ang boses ng Ama.

"Let's not invite her Tito"

"Rence!!" Boses iyon ni Tita Elisse na di ko inasahan.

"Mom, I told you already. We're done!"

"We invited her"

Kung pwede lang magsalita ginawa ko na. So jowa niya talaga yung babaeng yun? Pero di na sila?

Medyo malabo ah!

Baka gusto ng Mommy niya? Sabagay baka mabait naman talaga yun medyo maarte lang.

Matagal tagal pa yata ang biyahe kaya nag facebook nalang muna ako. Ilang sandali pay may panibagong message na naman mula kay Drake.

Drake Angelo

: Ang aga natin ha

Me

: May outing kami

Drake Angelo

:Kami rin, sama ka?

Me

:Di na, di ako mag eenjoy

Napangiti ako dahil di na ito nagreply, palagi ko tong binabara para di na mangulit.

"Hmm, how is he?"

Naiwas ko ang phone nung marinig ang mahinang boses ni Rence na kanina lang pala nakabantay sa likod.

Chismoso!