Chapter 77

Dumaan ang ilang linggo matapos ang graduation ay halos sa bahay lamang ako nagmumukmok kasama si Manang.

Paminsan minsan bumibisita si Mama at Tito Mike ng dalawang araw. Habang si Papa naman ay dumadaan lang pag medyo malapit dito ang trabaho. Palagi niya kong pinipilit na sumama sa bahay nila at mas makilala si Tita Elisse.

Nung nakaraan nakausap ko siya ng personal. Pero ewan ko ba iba talaga yung dating niya, parang may mahika ito na mahihiya kang humarap at lumapit sa kanya.

Habang sa bahay wala namang nagbago, maliban lang sakin. Kung dati eh wala akong kamuwang muwang sa mundo basta pumapasok ako at umuwi ng bahay, sapat na sakin yun.

Ngayon ko lang yata naramdaman na makisabay sa mga kaedad ko. Masyadong tutok sa social media, yung issue ng pagkaligaw namin ay matagal tagal ring nawala. Pati yung mga naging kaibigan ko sa gubat, akala ko hanggang dun lang pero di ko akalaing maging parte na ng buhay ko ngayon.

Gaya nalang nito.

"Oh?"

Walang gana kong bungad sa kabilang linya habang nakatoon ang tingin sa iniinom na kape.

"Anong meron sa Holy Week mo?"

Mula ng makabalik kami sa kanya kanya naming bahay ay hindi nagbago ang mga kasama. Maliban lang dun kay Rence at Allen na hindi talaga nagrereply sa groupchat kung di pa pipilitin.

"Bored, kape kape lang"

"Wala ka talagang balak magpakita sakin?"

"Ano namang gagawin ko sayo?"

Maliban yata kay Andi, mukhang itong si Drake ang di nagsasawa na manggulo sakin. Araw araw tumatawag wala namang matinong kinukwento.

Napahiga lang ako sa sofa at nag aksaya ng oras na nanonood ng tv matapos tumawag ni Drake.

"Yung mga gamit mo Erin, naimpake mo na ba?

"Oo manang, mamaya ko na gagawin"

Alas dos yata ng hapon ng makaidlip ako sandali. Pabalik balik lang yung mga ginawa ko dito sa bahay. Nakakalimutan ko na nga paminsan minsan kung anong araw at petsa na kung di lang dumating tong semana santa ay di ko magawang tumingin ng kalendaryo.

Walang gana akong bumalik ng kwarto at maghanda ng iilang damit para bukas. Nahihirapan akong magpaliwanag kay Papa kung bakit ayokong sumama sa Family gathering nila Tita Elisse.

Ano ba kasing gagawin ko dun bukas? Hindi naman dapat ako kasali dun. May paswimming swimming pa eh di naman ako mag eenjoy panigurado.

Dali dali akong nagligpit ng mga gamit at itinabi sa kama pagkatapos. Bahala na bukas, matinding katahimikan na naman yung gagawin ko kasama sila.

Alas kwarto pa yata ng umaga nung magising ako, balak kong magsimba at matunghayan yung nakasanayan kong Easter Sunday noon.

Pero nagdadalawang isip dahil maaga silang dadaan dito.

Ilang sandali pa'y nadatnan ko nalang ang sarili na naglalakad papunta ng simbahan. Rinig na rinig ko yung mga nagkakantahang Angel na pinalibotan ng maraming tao. May kadiliman parin ang paligid pero di yun naging hadlang para di magpatuloy sa gusto.

"Himala" napaiwas ako sa kung sinong nilalang na bumubulong sakin.