Chapter 76

Di ko maintindihan kung saan wala ng pasok tsaka pa ako nagising ng maaga.

Nakakatamad man pero binuksan ko ang bintana at hinawi sa dalawa ang kurtina.

Sumandal ako patalikod, kaharap ang kabuuan ng kwarto, nakita ko na naman sa gilid ang ibinigay na regalo kahapon.

Di parin talaga ako naniniwala, siguro mahigit kalahating isang daang libo ang presyo nito.

Hindi rin naman siguro nagkamali ng ibinigay si Mam Elisse. Kaya ganun nalang siguro yung excitement na napansin ko kahapon nung nagtanong ito.

Dali dali kong binuksan ang phone pati rin ang wifi. Mukhang hindi pa ito nagalaw dahil walang masyadong notifications na dumating.

Napagtoonan ko ng pansin ang facebook, madaming notifications dahilan ng pag ingay ng telepono.

Tumambad yung mga litrato ng mga kaibigan kahapon. Umani ng kumento yung litrato naming tatlo ni Andi at Rence.

*****: Ang saya nila tingnan

*****: Sanaol close friends

*****: Buti nakagraduate na, pwede ng ligawan Sir HAHHHAH

*****: Naks! Pwede na maligaw ulit!

Nakaramdam ako ng inis matapos mabasa ang mga kumento. Di parin talaga sila nakuntento? Grabe naman yun.

Niligpit ko muna sa gilid yung ibinigay na regalo. Tsaka hinanap yung mismong telepono.

"Oh? Ang aga ha!" walang ganang sagot ni Andi sa kabilang linya.

"Nakita mo ba yung mga comments sa photos natin kahapon?"

"Hindi pa, ngay- - -"

"Ba't may negative feedbacks parin? E delete mo nalang kaya yung photos?"

Sunod sunod kong suhestiyon kay Andi na wala sa mood makipag usap.

"Wag mo na silang pansinin, to naman! Sige na matutulog ulit ako!"

Agad niyang binaba yung tawag at naiwan akong dismayado.

Alam kaya ni Rence? Sure akong alam niya, medyo mahilig pa naman yun sa social media.

Agad kong hinanap ang name nito sa contacts pero natigilan ako nung maalalang hindi pala kami masyadong close para magbigayan ng number.

Wala akong choice kundi bumalik ng facebook. Ano bang name nun?

MGA LIGAW SA GUBAT

@Warren "Ang daya ang ganda ng pictures! Nakakainis!!"

Tumambad ang mensahe galing messenger, nung makita kung kaninong group chat ito ay agad kong binuksan.

Mukhang mahimbing pa ang tulog ng iilan dahil hindi pa ito nagsireply.

@Warren: Hoy @Catherine kailan mo balak pansinin yung mga friend request namin sa fb?

Napailing ako sa pinasok ko ngayong umaga. Ba't kasi ang tagal magising ng mga yun? Kailangan ko pang makipagchika nitong si Warren.

@Catherine: Oo, mamaya.

@Jessy: Good Morning guys!!

@Warren: @Catherine ngayon na!!

@Jessy: @Warren Good Morning

@Warren: @Jessy Paulit ulit!!

@Jessy: @Warren highblood mo masyado.

@Andi: Ang ingay ni Warren, rinig ko hanggang dito!

@Warren: Wala kaming pake! Baka miss mo lang ako kaya ganun!

Nung makitang wala akong makukuha kina Warren, Jessy at Andi ay bumalik na lamang ako sa facebook.

Kaonti lang naman ang friend request maliban sa mga nakasama ko sa gubat. Halos kumpleto, si Jessy, Allen, Drake, Mich at Warren.

Nadismaya ako nung walang makita na pangalan ni Rence. Grabe talaga yung lalaking yun! So kailangan ako pa talaga yung mag send ng friend request sa kanya?

Wag na no!