Chapter 75
Dahil sa tuwa ay hindi ko mapigilang mapatawag kay Andi.
"Himala at napatawag ka"
"Alam mo bang nagkita na sila Papa at Tito kanina?" Kinikilig kong kwento sa kaibigan na nasa kabilang linya.
"Weee? Si Tito Mike? At Papa mo?"
"Oo nga! Dito rin sila matutulog"
"Pati si Rence?"
Nahinto ako at nawala ang ngiti dahil di kami nagkaintindihan ng kausap. Mukhang mali rin yung naging balita ko, medyo kulang kulang dahil sa excitement.
"Sila Tito Mike at Mama lang, to naman!"
"Sayang naman! Kaano ano niyo ba kasi si Rence?"
Natigilan rin ako at napaisip. Oo nga no? Kaano ko nga ba yon?
Well, anak siya ni Tita Elisse na girlfriend ni Papa.
"Kaibigan" sagot ko rito.
"Hmmm"
"Oo nga!"
''Di ako naniniwala''
''Ewan ko sayo''
Binaba ko ang tawag dahil pansin ko ang kakulitan ng kaibigan, di paman yun titigil at kung ano ano pang maiisip tungkol sakin.
6:13 Pm
Pagabi na pala at di pa ako nakapagbihis kaya dumiretso ako ng banyo para maglinis ng sarili.
Ilang minuto lang akong nandoon, hanggang sa makapagbihis ay nakuha ng atensyon ang bintana na natabunan ng kurtina.
Tanaw ang iilang bituin sa langit nung mabuksan ito, masyadong maganda ang panahon.
Di ko mapigilang mapapikit, nanumbalik sa sitwasyon na nakahiga sa matigas na higaan na gawa sa dahon ng niyog.
Ganitong ganito yung lalim ng pag iisip sa mga panahong yun. Di ko akalaing makakabalik ako dito.
Malamig na hangin na nagpapangiti sakin. Ang swerte ko parin matapos ang mga nangyari.
Mula sa nagkabuhol buhol na problema kahapon tila unti unti ng naituwid ang mga to.
Tumunog ang telepono kaya agad ko itong kinuha sa kama.
*Papa Calling
"Erin?"
"Yes, Pa?"
"Nakalimutan ko kanina, nabuksan mo na ba yung regalo? Ano? nagustohan mo ba?" sunod sunod na tanong nito sakin.
Nasapo ko yung noo dahil andun lang pala sa baba.
"Pa, eh di ko pa kasi nabuksan pero sure ako maganda yun. Paki sabi nalang kay - - - Ma'am Elisse na nagustohan ko at Thank You narin" Medyo nahihiya kong sagot, mukhang tama naman yung pinagsasabi ko dun.
"Iha? Tita Elisse nalang, buksan mo yung regalo ha? You will love it, for sure"
Para akong nanlamig sa panibagong boses na narinig, di ko inasahan na magkasama pala ito.
"Yes po, Opo"
Matapos ang tawag ay dali dali akong bumaba at hinanap ang mga regalong binigay kanina.
Pati yung bulaklak ay dinala ko narin sa kwarto dahil baka may nakatagong regalo na naman dun.
Binuksan ko ang paper bag na ibinigay ni Rence kanina, may kalakihan ito meron pang kahon sa loob.
Napakurap nung tumambad ang palatandaan ng mamahaling telepono.
Kusang gumagalaw ang mga kamay at hinawakan ang laman nito.
Dahan dahan kong hinimas ang screen at di pa rin pumasok sa isipan na ibinigay lang to sakin.
Ang Mahal!
Dali dali kong tinawagan ang Ama dahil baka nagkamali lang to ng ibinigay. Pero nadismaya nung mag isang minuto na akong tumatawag at di parin sumasagot.
Baka nagpapahinga na, napagod rin siguro yun sa dami ng nangyari ngayong araw.
Niligpit ko nalang muna ng maayos ang ibinigay na regalo.
Di kaya bayad utang yun? Pero wala namang utang yung Mommy ni Rence sakin. Ang pangit rin naman kung iisiping suhol? Para ano naman? Matanggap ko sila?
Pero di naman kailangan yun, unti unti ko ng natanggap na parte na sila ng buhay ni Papa.
Napatayo ako at lumabas ng kwarto dahil ayoko munang mag isip ng mabigat.
Tumabi kay Mama sa sofa na kumakain pa ng cake. Seryosong nakatingin sa telebisyon.
Palihim akong napangiti.
Parang dati lang.