Chapter 74
"Oo nga kasi send ko mamaya"
Matapos marinig ng ilang beses ang sagot ni Andi ay nakuntento narin ang mga kasama.
Umunang umuwi si Shane dahil sinundo na ito ng kuya niya. Habang sina Kim at Jazz ay sabay na nagcommute.
Napabuntong hininga ako at napasandal sa kotse ni Papa. Walang ideya ang tatlo na sabay kaming uuwi nina Andi at Rence.
"Andi tara na"
Tawag ko sa kaibigang di mawala ang tingin sa camera, mukhang paulit ulit tinitingnan ang mga nakuha nitong litrato.
"Ang pogi naman talaga ni Rence dito oh"
Tila nailang ang lalaki na nakikinig dito kaya umuna nang pumasok ng kotse.
Di parin natinag ang kaibigan kaya binuksan ko na ang pinto, wala na akong balak tumabi kay Rence pauwi ng bahay.
"Tara na Andi"
"Oh eto na"
Hanggang sa makapasok kami ay nakatoon parin ang tingin nito sa camera.
Hindi ko nalang din pinansin dahil baka mabulyawan pa ako.
Naabotan kong nakatingin sa repleksyon ang drayber kaya tumingin ako dito pabalik.
"Tingin tingin mo diyan?"
"What?"
"Wala"
"Ackk deat batt"
Gusto kong matawa sa reaksyon ni Andi na sobrang dismayado. Pero pinipigilan ko nalang dahil baka madamay pa ako.
"Antagal pa naman nito ma fully charged"
"You okay?"
"Yeah"
Tahimik lamang ako na nakikinig sa dalawa. Napaupo rin ng maayos ang katabi at nakaramdam ng inip dahil wala na ang libangan.
Ilang sandali pa'y ramdam ko ang siko nito nagpapansin sakin kaya agad ko itong nilingon.
"Ba't di pa rin to umuuwi?"
Mahinang tanong nito sakin, tukoy nito kay Rence. Ang chismosa talaga kahit kailan.
Baka kung sabihin ko ang totoo mamaya ay tatawanan lang ako.
"Ewan ko, magkasama sila ni Papa"
Agad nanliit ang mata nito, pahiwatig na hindi ito naniniwala sakin.
"Talaga lang ah"
Walang gana akong tumango para di na ulit magtanong.
"Uy Rence, umaakyat ka ba ng ligaw dito kay Catherine?"
"Agay Cath!"
Dali kong nahampas ang kaliwang kamay nito dahil sa naging tanong niya kay Rence.
"Ano bang tanong yun, syempre hindi"
Rinig namin ang pinipigilang hagikgik ng tao sa harap.
"Yan oh, tinawanan lang tayo!"
Di ko nalang pinansin ang dalawa hanggang sa naihatid na namin si Andi at nakauwi ng bahay.
Bumungad ang dalawang Ama na mukhang kanina pa naghihintay sa labas ng gate.
Nung napansin ang presenya ko sa harap ay agad ding nagpaalam si Papa. Hinintay pa naming makaalis ito ng bahay.
"Tara na Tito" aya ko kay Tito Mike na hindi parin nawawala ang ngiti kahit pinipigilan na ito, sadyang di marunong magsinungaling ang mga mata.
Pagkapasok namin sa bahay ay nadatnan ko pang nakapwesto ng maayos si Mama na nanonood ng tv.
Hindi ko alam pero natuwa ako sa ayos nito, paminsan minsan ko nalang syang nakitang nakasoot ng pambahay. Ibig sabihin lang nun dito sila matutulog mamaya.
"Oh, nakauwi ka na pala"
"Di po kayo uuwi?"
Walang preno kong tanong sa Ina. Natigilan pa ito tsaka tumango kaya di ko ulit mapigilang ngumiti.
Dali dali kong tinahak ang hagdanan na akala mo'y sobrang sayang makaapak roon.
"Tong mga regalo mo Erin"
Rinig kong sigaw ni Tito Mike bago ko isinara ang pinto.
Napasampa ako sa higaan dala ng saya na naramdaman. Para akong kinilig na hindi ko maintindihan kung saan nanggaling.