Chapter 73
Dali dali kong sinuot ang toga nung matanaw na ang grupo ng mga babae sa kaliwang bahagi ng field.
Kaonti lamang ang nandito di tulad ng bilang ng mga tao sa gymnasium kanina.
Nakapamewang na agad ang kaibigan na akala mo'y nakalunok ng apoy dahil sa tingin nito.
Sinalubong ako ng yakap nina Jazz at Kim dahil hindi kami nag abot kanina.
"Agay Kim sandali!"
Bumitaw kami sa pagyakap nung magsalita si Jazz, mukhang may nagulo yata sa make up nito.
Napailing ako nung maalalang bumalik na pala ako sa dati, kung saan nakasanayan ang mga gantong pangyayari.
Bawat kilos ng mga to ay kailangan ng ingat, pwede mong guluhin lahat wag lang yung kolorete sa mukha nila.
"Hoy bilisan niyo na diyan kanina pa umusok tong si Andi excited na"
Pumwesto na kami matapos marinig ang sinabi ni Shane.
"Gandahan niyo ha! Pang forever to!"
"Lapit ka pa dito Erin"
"Sandali pangit yata ng angle ko dun"
"Wag ng maingay"
Nakangiti lamang ako na nakikinig sa mga kaibigan.
Hindi ko nga alam kung anong hitsura namin don dahil bilang ng segundo lamang ang inasahan namin sa pagkuha ng litrato.
Tiningnan pa ulit ni Andi kung tama ang pagkakuha. Hanggang sa sabay na kaming lumapit sa gawi ng camera.
"Masyado yatang malapit no?"
"Si Shane at Erin yung dapat nasa gitna"
"Ano ba Jazz?"
Napaiwas ang tingin namin sa camera at binigyang pansin ang inis na boses ni Kim.
Maging kami rin ay kumunot ang mga noo nung tanging mata lamang ang ginagalaw nitong si Jazz. Tila may pinapahiwatig sa harap.
Sabay naming nilingon ang palapit na presensya ng lalaki.
Anong pinunta nito dito?
Kusang gumagalaw ang kaliwang braso dahil sa pinipigilang kilig ng mga katabi.
Di rin kasi maitatangging malakas ang appeal nitong si Rence. Sabayan pa ng hitsura nito ngayon na akala mo'y artistang napadaan lamang sa gawi namin.
"Good Afternoon Sir" masayang bati ng tatlo.
Nagtinginan kami ni Andi at dali daling umiwas.
"Good Afternoon Girls and Congratulations btw"
"Thank you po, napadaan po kayo?"
Tanong ni Shane sa guro.
Agad nagtama ang tingin namin pero di ko pinapahalata ang pagkagulat.
May gusto yata itong sabihin, baka uuwi na sila ni Papa.
Kinapa ko ang phone at manandaliang binuksan.
*2 Missed Calls from Papa
Wala akong choice kundi tawagan ito pabalik. Sumagot rin naman ng ilang segundo.
Nasa tabi parin ako ng mga kasama pero di ako nito masyadong napansin sa kakatanong nito kay Rence.
Umatras ako sandali at pumagilid para makasagot ng masinsinan.
"Pauwi na kayo?"
"Hindi pa po, kailangan niyo ng umuwi? Sabihan ko nalang si Rence"
"Hindi na, baka maligaw ka na naman. Wag lang kayo masyadong magpagabi"
"Sige pa"
Binaba nito ang tawag kaya bumalik ako sa mga kasama na ngayon ay masayang nagtatawanan.
Napangiti ako sa hitsura ni Jazz na nagpipigil ng kilig dahil kasama nito ang guro sa litrato.
"Jazz ako naman"
"Hoy! Alis na diyan"
"Gandahan mo Andi ha? E popost ko pa to"
"Nakakahiya kay Sir ano ba yan"
Napailing nalang ako sa natunghayan.
Tawang tawa si Andi na kumuha ng litrato habang si Shane ay di na makaantay na pumalit sa pwesto ni Jazz.
Lumapit ako kay Kim na nakaramdam ng hiya sa pinag gagawa ng mga kasama.