Chapter 72
Hindi ko talaga alam kung bakit pumayag silang si Rence ang maghahatid sakin pabalik dun.
Tahimik akong nakaupo sa pwesto dito sa harap habang seryoso naman itong nakatingin sa dinaanan.
"Is it okay with you Erin that I live with Tito?"
Agad niyang tanong mula sa katahimikan.
"Okay lang sakin"
Pakiramdam ko sobrang bagal ng biyahe dahil kasama ko tong si Rence.
"Thank you, just asking"
Tumango ako at di na sumagot. Wala naman akong naramdaman na kahit anong galit o ano. Dati ko pa namang tanggap na meron na itong ibang buhay lalo pa't malayo ang trabaho nito.
Di ko lang inasahan na may kapalit na ito kay Mama.
"Rence"
"Yes?"
Sumagot ito at panandaliang lumingon sakin.
"Ba't mo nilihim sakin?"
Alam kong natigilan ito pero di lang pinapahalata.
"What do you mean?"
Ito yung minsan nakakainis pag sya yung kausap. Kailangan mo munang paghandaan yung itatanong at isasagot mo in English.
Balak ko ng sumagot nung magsalita ito.
"It's not my part Erin, I don't want to ruin Tito's plan. I had to wait and find time to explain. I'm really sorry"
Natahimik ako dahil sa narinig na paliwanag.
Naintindihan ko naman, nakakainis lang kung iisipin dahil wala akong ka idedeya na kilala na ako ng isang taong inakala kong estranghero.
"Naintindihan ko"
Lumingon ito saglit at binaling ang tingin sa harap.
Tanaw ko mula sa labas ang ilang estudyanteng naghihiyawan. Mukhang taga ibang strands at hindi parin umuuwi.
Huminto ang sasakyan kaya inayos ko ang pagkakaupo. Maging yung dala dalang toga na hindi ko na muna sinoot.
"He showed me your pics, so you're kind of familiar when I started working here".
Di ko inasahan na magkukwento ito, akala ko tapos na.
"You don't mind everything around you. You always had those blank expression which made me feel guilty until now"
"So I took advantaged when I had empty spaces on that bus. I know it was strange but my only intension was to know a bit of you. Tito became my Dad for months now and knowing your situation won't make me feel happy"
Wala akong nasagot sa sunod sunod nitong paliwanag. Hindi ko tuloy alam ang maaari nitong sasabihin.
"Thank you for letting your Dad happy again. I'm against with it at first, but I can't hurt my Mom"
"Naintindihan ko naman Rence"
Tumatango tango ito sakin, kaya nagpatuloy ako sa pagsagot.
"Tanggap ko na lahat ng posibleng magbago sa kanila. Kaya di mo na kailangan magpaliwanag. Di mo rin naman to inasahan"
Seryoso akong tumingin sa kanya nung marinig na naman ang ingay ng telepono.
Si andi na naman to panigurado, tinanggap ko ang tawag at inasahan na agad ang ingay na maaring marinig.
"Jusko buti naman at sumagot ka! Asan ka na ba ha?"
"Andito na nga, kakarating lang"
Binaba niya agad yung tawag kaya kumunot yung noo ko.
Ang init na naman ng ulo ng babaeng yun!
"You should go now Erin, I mean sister Erin"
Nanliit ulit yung mga mata sa narinig at agad syang tiningnan.
Nagkibit balikat lang ito kaya alam kong nasa oras ng kalokohan si Rence.
Lumabas ako at tinahak ang field kung saan naghihintay si Andi na mukhang dragona sa inis.