Chapter 71

"Huling kita ko yata sayo nung college pa tayo"

Tahimik lamang ako na nakikinig sa pinag usapan ni Papa at Tito Mike.

Iba yung inasahan ko mula kanina, di ko nga alam na matagal na itong magkakilala.

Akala ko hindi ito magtatagal na magkasama sa hapag.

Ilang sandali pa ay hinanap ng mata ang dala dalang bag kanina na bigla bigla nalang tumutunog.

Dito lang yun sa mesa nilagay ah? Kasabay nung bulaklak.

Sino namang tatawag sa kin?

"Kaninong phone yan?"

Tanong ni Mama samin, patuloy ko paring nilibot ang sariling mga mata.

"Here"

Sinundan ko ang direksyon ng tinitingnan ni Rence nung magsalita ito.

Nakayuko lamang hawak hawak yung bagay na hinahanap tsaka humarap samin.

"Just beside me, occupying the empty seat"

Matipid akong ngumiti at agad itong inabot.

Agad kong binuksan ang bag at kinapa ng mabilis ang phone.

Tumambad ang mga numero na hindi galing sa contacts.

Sino naman to? Agad agad ay huminto ito kaya di ko nasagot.

Hindi kaya si Andi yun? Siya lang naman yung nagsabing tatawag ito kanina.

Ilang sandali pa'y tumunog ulit kaya agad agad kong sinagot.

"Erin?"

Rinig ko mula sa kabilang linya, boses ng lalaki. Sino naman to?

"Yes, Hello?"

Nilibot ko ng tingin ang mga kasama na kanina pa pala nakatingin sakin.

"Si Drake to, hining- - -"

"Drake? Ba't ka napatawag?"

Di ko pinatapos yung sasabihin nito dahil di ko inasahan ang biglaang pagtawag. Paniguradong si Andi na naman ang nagbigay nung number.

"Bakit ha? Bawal tumawag?"

Kumunot bigla yung sarili kong noo nung marinig ang sinabi nito. Di maiwasang mapaisip sa hitsura ayon sa boses.

"Sino yan Erin?"

Naitago ko tuloy yung phone nung magtanong si Mama.

"Kaibigan ko po" Tumango lang ito kaya nagpatuloy ako sa pagtawag.

"Bahala ka nga!"

Yan yung huli kong narinig bago niya binaba ang tawag.

Ano nakain nun?

Ibinalik ko nalang ang phone at nagpatuloy kaming kumain.

"Mabuti naman at sumama ka iho!"

Biglang nagsalita si Mama kaya na kay Rence ang atensyon namin.

"Yes Ma'am, I'm with Tito Ric since I'm not allowed to drive".

"Oh bakit? Nasa tamang edad ka naman ah"

"Di siya pinayagan ni Elisse"

Pagpaliwanag ni Papa, so may dahilan pala kung bakit kanina pa ito magkasama.

"Just for temporary"

Nung makuntento ang Ina sa naging sagot ay tumango nalang ito at di na nagtanong uli.

Kung ano ano pa namang maiisip nito lalo pa't di niya masyadong kilala.

Sabay silang lumingon sakin nung tumunog ulit ang phone.

"Sino ba yan Erin? Boyfriend mo?"

"Hindi no!" Kunot noo kong kinuha ang phone dahil sa naging tanong ni Mama.

*Andi Calling

"Si Andi" pagkasagot ko nun ay bumalik sila sa paglamon.

"Cath? Asan ka?"

"Dito sa bahay, bakit?"

"Balik ka dito dali, sa field ka dumiretso"

"Ano naman gagawin ko dyan"

"Wala tayong picture ano ka ba!"

Napabuntong hininga ako sa narinig. Wala nga pala kaming pictures nun.

Kung meron man siguro random photos ng organizer or nung with parents before nagstart.

"Nasa bahay na ako, kayo nalang"

"Ano ka ba? Ngayon lang oh! Umuwi rin naman ako, mabilis lang to pramis!"

"Oh sige! Try ko"

"Gawin mo, wag mo e try"

Binaba niya yung tawag kaya medyo natakot ako. Iba pa naman yun magtampo.

"Bakit Erin?" Tanong ni Tito Mike.

"Si Andi, pwede ba akong bumalik ng school sandali? Wala kaming photos ng mga kaklase ko"

"Ganun ba? Sige, hatid kita" sagot ni Tito Mike sakin.

"Ako nalang Mike, baka mag ayang umuwi yang Misis mo"

"Tigilan mo ko Rico"

Napailing nalang ako sa pinagsasabi ng tatlong magulang.

"I can go with Erin"