Chapter 70
Pagkalabas ng kotse ay dali dali kong tinahak yung gate at pumasok ng bahay.
Naabotan ko pa si Manang na may katawagan sa telepono at agad ring tumayo nung makita ako.
"Erin!!! Congrats"
Masayang bati nito sakin at dali dali akong nilapitan.
Tipid lang yung ngiti na ibinigay ko dahil agad niya kong niyakap.
Mukhang nanggaling dito sila Mama at Tito Mike dahil tanaw ko mula sala ang mga nakahanda sa mesa.
Bumitaw ito agad kaya dumiretso ako sa dining tsaka nilapag ang binigay ni Rence.
"Rico, ikaw lang mag isa? Asan na yung panganay mo kanina?"
Kumunot yung noo sa narinig mula kay Manang. Anong panganay?
"Tara na sa dining"
Nung napansin kong palapit ang ama ay agad akong tumayo at pumunta ng sink. Muntikan pa akong hindi makapaghugas.
Pilit kong pinakalma ang sarili, ayokong bumalik sa dati na parang sinakluban ng langit. Napabuntong hininga ako tsaka nagpatuloy sa paglinis.
Kailangan kong makisama sa kanila, kahit ngayong araw lang. Ayokong mag aksaya ng pagkakataon dahil lang sa sarili kong problema.
"You okay?"
Di ko inasahan ang boses ni Rence na sobrang lapit lang sa gawi ko. Pumagilid ako nung mapansing nakatayo ito sa likod.
"Oo" naiilang kong sagot at dali daling tinapos ang ginagawa.
"Are you mad at me?"
Di mapigilang tumaas ang kabila kong kilay, ba't naman ako magagalit sa kanya.
"Hindi naman"
Umuna akong bumalik sa dining kung saan patuloy parin ang kwentohan ni Manang at Papa.
Nahinto pa kami nung marinig ang ingay ng sasakyan at agad nagtinginan.
"Sandali lang ah"
Hindi ko alam pero mukhang may ideya na ako kung sinong bisita ang parating. Ingay pa lamang ng makina ay tumambad na sa isipan sina Mama at Tito Mike.
"Dito ka Rence"
Tinitigan ko si Papa na di maitago ang pag iba ng hitsura. Paniguradong di niya inasahan na mag abot sila ni Mama dito sa bahay.
"Are you fine, Tito?"
"Ha? Oo naman"
Sagot niya sa lalaking walang kamuwang muwang sa mga nangyayari. Ganto na ba talaga sila ka close?
Sabagay hindi rin naman mahirap pakisamahan si Papa kaya siguro mabilis silang nakapaglagayan ng loob ni Rence.
Nagkaroon ng ingay sa sala kaya napalingon kaming tatlo dito, kasalukuyan paring naghihintay sa dining area.
Nagtama ang tingin namin ni Mama kaya pinilit kong maging kumportable. Hindi ko tuloy nakita kung anong naging reaksyon ni Papa nung tumambad na si Tito Mike.
Tumayo ako at nagmano sa kanila kahit kanina lang kami nagkita ni Mama.
Hindi ko alam pero parang mas bumagal ang oras, bawat galaw ng mga kasama ay tila konektado sa kaganapan ngayon.
Bumalik lang ako sa pagkakaupo habang nakatayo parin ang mga bagong dating.
"Buti naman at nagkita rin tayo, Mike"
"Ikaw talaga ang sadya ko rito, Rico"
Di ko mapigilang kumunot ang sariling noo sa mga natunghayan.
Tumayo pa si Papa para makipagkamay kay Tito Mike, di ko tuloy alam kung may galit bang namumuo sa dalawa.
Di ko nalang sila pinansin at binigyang atensyon ang mga pagkain. Di pa naman ako masyadong nabusog kanina.
"Bisita mo Erin?"
Sumusubo ako ng pagkain nung marinig ang boses ng Ina.
Isang direksyon lang ang tinitingnan dito kaya agad akong napalingon sa gawi ni Rence na kasalukuyang kumakain.
"Hindi po, bisita ni Papa tsaka teacher sa ibang strand"
Ako tuloy yung nahiya dahil parang ayaw bitawan ni Mama ang pagtitig kay Rence. Buti seryoso lang itong kumakain. Gutom rin no?
"Ma, wag mo ng titigan" mahinang sabi ko rito.
Di naman siguro niya bet tong si Rence diba?