Chapter 69

Iba yung saya na naramdaman ko nung pumasok ako ng kotse. Hindi kami magkasabay ni Mama na umuwi ng bahay dahil iba ang sinasakyan nito.

Respeto narin siguro kay Tito Mike na posibleng naghihintay lang sa tabi tabi. Hanggang ngayon kasi di ko pa sila nakitang nagtagpo ni Papa.

"Erin, okay lang ba kung mag- antay tayo ng ilang minuto? Isasabay ko si Rence para di na sya magcommute mamaya"

Medyo di ko inasahan ang paki usap nito pero agad akong napatango.

Ngumiti lang ito sakin at di na nagsalita. Dumaan ang ilang segundo at tahimik lamang kami ni Papa habang busy itong may ginagawa sa telepono.

"Pa?"

"Yes, Erin?" Sagot nito pero nakatuon ang tingin sa hinahawakang bagay.

"Kaano - ano mo si Rence?"

Minasdan kong mabuti ang naging reaksyon. Kahit nakakagulat ay agad niya akong tiningnan at ibinaling ang tingin sa daan.

"Si Rence? Ah ano, anak sya ni Elisse" Nahihiyang sagot nito sakin.

Tahimik lamang ako at di na masyadong nagulat dahil alam ko naman yun. Pero tila yatang meron akong hinihintay na sasabihin nito.

Nung napansing hindi ako sumagot ay agad itong lumingon sakin.

"Sorry, di ko pormal na pinakilala si Elisse sayo kahapon. Alam kong hindi ka pa handa para don"

Ito yung tinginan na pwede ng hindi magsalita. Alam mo agad na laman nito ay mga pakiusap. Napalunok ako nung marinig ang sinabi ng Ama. Talaga palang nakahanap na ito ng bago.

"Kailan pa?"

"Mahigit isang taon na"

Tumango lang ulit ako, pilit sinaksak sa kukote ang mga narinig.

Ilang sandali pa'y nakarinig ako ng pagbukas sa pinto mula sa likod.

"I'm here Tito, sorry for waiting"

Kilala ko ang boses na iyon, pero di ko magawang lumingon dito. Diretso lang ang tingin at unti unting inayos ang pagkakaupo.

"Okay na Rence?"

"Yes po"

Tahimik lamang akong nakikinig sa pag uusap ng dalawa. Pansin ko ang ilang segundong pagsulyap ni Papa pero di ko ito nagawang lingunin.

Mukhang napansin ni Rence ang katahimikan nung nasa byahe na kami, kaya di na rin ito nagsalita pa.

Wait.

Ba't ko naman inasahan si Rence na mag ingay? Sa sobrang tahimik nun. Pero di naman yan ganyan dati, o baka bumalik na naman ang pagka masungit nito.

Napapikit ako sa mga naiisip, paki ko ba dito kay Rence? Kung ayaw niya kong pansinin edi wag.

"Erin, a gift from Me and Mom"

"Anak"

Di ko masyadong napansin ang boses nito dahil masyadong okupado ang isipan.

Kung di pa nagsalita si Papa di ako mapapalingon.

Kita ko sa gilid ng mata na meron itong binibigay mula sa likod.

"Here"

Tumambad sa harap ang isang paper bag at bungkos ng bulaklak.

Tinitigan ko lang ang mga binigay nito pero di ko sya magawang lingunin.

"Salamat"

Bumalik narin ang atensyon ko sa harap. Hindi ko alam pero gusto ko siyang tanungin kung bakit kailangan niya ako bigyan ng mga to? Pati ng Mommy niya?

Bakit kailangan pa siyang antayin ni Papa para sabay silang uuwi?

Kung nung nakaraang taon palang nagkaroon ng relasyon sila Papa at nung Mommy niya posible kayang mas una akong nakilala ni Rence?

Mas maaga pa sa inaasahan ko?

Posibleng alam na niya lahat.

Posibleng plinano niya ang pagtatagpo namin.