Chapter 68
Halos mag isang oras bago pinatawag ang mga estudyante. Hindi parin ako sanay na tinitingnan ng iilan, siguro ganto yung narasan ni Andi kanina.
"OMG! Erin??" Hindi ko alam kung saan nanggaling ang boses na yun sa dami ba naman ng tao dito sa gymnasium.
"Erin!!!" Tumalikod ako at hinanap kung sinong tumatawag. Nangingibabaw yung isang kamay na kumakaway.
"Shane!" Masaya itong lumapit sakin at kulang nalang gapusin ako sa higpit ng pagkayakap.
"Grabe! San ka ba kanina ha? Si Andi lang yung nakita ko. Musta ka na?"
"Yun nga, late akong nagising. Kahapon pa kami nakauwi. Kayo ba?"
"Nako kung alam mo lang! Wag na muna nating pag usapan! Tara na"
Bawat hatak nito sakin ay may iilang di mapigilang magulat. Ganun ba kami katagal nawala?
Nagsimula na ang seremonyas kaya hindi ko alam kung nasan si Andi. Naiilang parin ako sa mga katabi na di maiwasang matingnan ka mula ulo hanggang paa.
Hindi ko nalang sila pinapansin, pero di maiiwasang may panibagong pumasok sa isipan. Inakala kaya ng mga to na naligaw na talaga kami ng tuluyan?
Mahigit isang oras nung nagsimula na kaming umapak sa stage. Matapos kong marinig ang pangalan ni Andi ay doon ko palang sya nakita mula kanina. Di rin maiwasang makarinig ako ng kakaibang komento sa paligid.
"Siya ba yung naligaw?"
"Oo sya nga, nakita ko sila ni Sir Lao na magkausap kanina"
"Syempre super close na nila no, balita ko nga totoo yung mga sabi sabi"
"Hoy ang iingay niyo"
Diretso lang yung tingin ko sa kaibigang maaliwalas ang ngiti, pero nakatoon ang tenga sa ibang direksyon.
Anong pinagsasabi ng mga to? Grabe kung makachismis.
Di rin nagtagal ay tinawag na ang mga katabi, matapos marinig ang sarili kong pangalan ay hindi na ako nagtaka kung may nahagilap pa akong nagbulungan.
Ngumiti ako ng pilit at di pinapahalata ang mga napansin. Naging maayos at walang ano mang kamalasan ang nangyari.
Naghiyawan ang lahat matapos dineklara na nakapagtapos na kami ng Senior High School.
Nagsimulang mag ingay at umalis sa mga pinag ayos na upuan ang mga estudyante. Muntikan pa akong maapakan ng kung sinong babae dahil sa pagmamadali.
"Cath!!!"
"Aray ko"
Hindi ko nakitang nasa gilid na si Andi at agad akong niyakap.
Humiwalay ito sakin habang inayos ko yung suot na toga.
"WAAHHH graduate na tayo!!!" Masayang wika nito at yumakap ulit.
"Congrats satin!" Hinaplos ko ang likod pagkatapos, pero ilang sandali pay nakarinig ako ng paghikbi kaya humiwalay ako sa kanya.
"Bakit??" Kita ko kung paano namuo yung luha sa bawat gilid ng mata. Umiling lamang ito at pinunasan yung luha tsaka ngumiti.
"Tara na nga!"
Ang drama talaga ng babaeng to, di ko rin naman siya masisisi. Kahit ako di ko akalaing makakauwi kami at aabot dito.
Sabay lang kami naglakad ng huminto tong isa.
"Parents mo Cath! Mauna na ako ha? Text kita mamaya"
Nauna itong umalis kahit di ko naintindihan. Linibot ko ang tingin, malayuan palang ay tanaw ko si Papa na kumakaway sakin.
Naestatwa ako bigla ng makita ang kasama nito.
Parang ayokong lumapit, kuntento na akong makita silang magkasama ulit.
Napalunok na naman ako, ayokong maging emosyonal.
Pero kahit anong pigil ko ay di ko namalayang naglakad na ako papunta sa gawi nila.
"Congratulations Erin" agad na yakap ni Mama.
Naramdaman ko na ang namumuong luha sa mata.
Kaharap ko si Papa mula sa likod habang nakayakap parin sa Ina. Ngumiti ito bigla, kaya di ko napigilan ang mga luha na kanina pa gustong kumawala.