Chapter 67

Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nandito si Rence sa bahay. Tahimik lamang ako na sumabay sa maagang pananghalian kahit breakfast ko pa to.

Umuwi narin si Andi matapos akong gisingin at pinagalitan kanina. Mamaya nalang ulit kami magkita at baka sya na naman ang papagalitan ni Tita kung di ito uuwi.

Liningon ko si Papa na seryoso lang ang atensyon sa pagkain, habang tong si Rence ay naabotan ko pang nakatingin rin sa tinitingnan ko. Gustong gusto kong magtanong at maliwanagan pero may pumipigil sakin.

Natapos na si Papa at agad itong tumayo. Nagpatuloy ako sa pagkain dahil ayokong maiwan sa hapag na kasama si Rence. Naninibago pa naman ako sa hitsura niya ngayon, may eyeglass na at damit propesyonal.

Inayos narin yung gupit hindi katulad ng nakasanayan ko. Tumayo ito bigla kaya mas binilisan ko ang pagkain.

"Wag magmadali Erin, baka madumihan yang suot mo"

Paalala ni Manang Lucy sakin.

Matapos kong kumain at inayos ang sarili ay dumaan ako sa living room kung saan naghihintay sina Papa.

Mukhang ako nalang rin naman ang hinihintay nito dahil sabay pa silang tumayo mula sa pagkakaupo.

Nanibago ako nung maglakad kaming tatlo palabas ng bahay. Hanggang ngayon sariwa parin sa isipan yung mga nangyari kahapon. Gusto ko ng maliwanagan sa lahat, lalong lalo na kay Papa.

"Erin!! Sandali!"

Huminto ako nung marinig ang boses ni Manang tsaka ko sya nilingon. Napaiwas rin nung sabay na magtama ang tingin namin ni Rence. Ba't kasi hindi ako nagpahuli.

"Tong telepono mo!" Sigaw nito sakin.

Akma na akong maglakad pabalik nung hinarang ng lalaki ang kamay nito at agad tumalikod.

Nagets ko rin naman ang balak niyang gawin kaya umuna na akong sumunod kay Papa na nasa labas.

Isang minuto lang yata yung hinintay namin ni Papa sa loob ng kotse nito bago dumating si Rence.

"Here" abot nito sakin at umupo katabi ni Papa.

Nasa unang pwesto ako, ang kaibahan lang  mas sanay ako sa sinasakyan namin ngayon hindi katulad nung kahapon.

12:07 Pm

Habang nasa biyahe ay binuksan ko ang phone. Magkasunod yung notification sa fb at ilang messages.

Ngayon ko lang din natanggap yung ilang chats ni Andi, meron pang pamention sa groupchat.

(CLASS 2019)

(HUMSS Babies)

(MGA LIGAW SA GUBAT)

Napailing ako nung makita ang panghuli. Kahit di ko buksan alam ko kung sino sino ang miyembro dito.

Sino namang matalino at gagawa ng groupchat na ito ang pangalan. Agad ko rin itong binuksan at sunod sunod ang pagdating ng mga mensahe.

Halos mga congratulations yung nabasa ko rito. Patuloy lang ako sa pagtingin, may sinend pang litrato si Warren na kakagaling ligo at nagmirror selfie.

Di ko mapigilang mapangiti dahil pinagtawanan ito ng mga kasama.

Sumunod yung litrato ni Drake, nakatoga na ito at mas pormado kesa kay Warren. Musta na kaya yung lalaking yun? Medyo nagtampo pa yun kahapon.

Agad huminto ang kotse kaya umayos ako sa pagkakaupo. Tinago ko muna ang phone at tiningnan mabuti ang soot bago lumabas ng sasakyan.

Nakaramdam ng kaba nung makita ang bilang ng tao, may iilan na tumitingin pa sakin.

"Tito, I'll go first. Erin" tumango ito sakin kaya napangiti ako ng pilit.

Nakalimutan ko yatang teacher pala sya dito. Agad kong naramdaman ang paghaplos ni Papa sa buhok ko kaya dali dali ko siyang nilingon.

Nginitian niya lang ako, napatigil ako saglit. Hindi ko alam pero may kurot sa puso kaya agad akong napalunok.

"Sorry pa, wal - - -"

"Wag mo ng isipin yun, mahalaga andito ka" Tumango ako matapos marinig ang sinabi ni Papa.