Chapter 65
Nagising ako sa ingay ng kumakatok sa kwarto. Di ko naalalang nakatulog pala ako.
Anong oras na ba? Nilingon ko ang saradong bintana na pinalitan ng makapal na kurtina. Nanumbalik ako sa dating gawi na ginawa kong orasan ang makikita ko sa labas.
"Erin, anak?" Patuloy parin sa pagkatok si Manang kaya pinili kong bumangon.
Parang isang taon yata ako naglakbay kung saan saan at ngayon lang nakapagpahinga. Mas napansin ko ang sakit ng pangangatawan na tila nagpatigil sa takbo ng mga pinag iisip ko kanina.
Binuksan ko ang pinto na walang gana.
Nakangiting sumalubong si Manang sakin at unti unti ring nag iba ang reaksyon nito.
Yumuko ako at sinubukang itago ang bakas ng pinag gagawa ko kanina. Nakita niya yatang namaga tong mata ko.
"Anak? Kung may problema ka sabihan mo lang ako" ramdam ko ang kamay nitong hinawi ang mga buhok na nakatakip sa mata kaya umatras ako.
"May pagkain na sa baba, tong telepono mo rin andito na". Tumango ako at tinanggap ang dala dala niya.
May nais pa yata itong sabihin pero mas pinili niyang lumabas na ng pinto.
Bumalik nalang ako sa kama dala dala ang binigay nito. Binuksan ko ang phone at iniwanan na muna sandali.
Naglakad ako para buksan ang bintana, tila inayos at nilinis ni Manang ang kabuuan ng kwarto. Pinalitan pati yung kurtina at gamit sa kama.
Nakahinga ako ng maluwag nung sumalubong ang malamig na hangin. Akala ko umaga na, pero mukhang ilang oras lang yata yung tulog ko mula kanina.
Tumunog yung binuksan kong phone, kaya nilingon ko ito. Tumambad ang wallpaper sa screen kaya bumalik ulit ako ng kama.
Binuksan ko ang lahat kaya sunod sunod na naman ang notifications pati missed calls. Naabotan ko pang tumawag si Andi kaya dali dali kong tinanggap ang tawag.
"Cathhhhh!!!!!" Iniwas ko ang tenga sa ingay na bumungad sakin.
"Bakit?"
"Ang dami kong chikaaaaa!! Pero ito muna, excited na ako bukas. 7 Am yung Baccalaureate dapat maaga kang gigising, then 1 pm ang Graduation Ceremony wag kang magpapalate kahit bukas lang. Tapos yung gc natin tingnan mo dali at may itatanong ako mamaya tungkol kay Rence. Yung mga friend request rin nina Drake, ikaw nalang daw hindi namamansin. Pag yung mga yun nagtampo nako, ewan ko nalang sayo. So anong chika ni Rence nung umuwi kayo?" Sunod sunod na sinabi nito sa kabilang linya.
Pumasok lang yata sa dalawang tenga ang sinabi nito.
Mukhang hindi tinablan ng pagod sa byahe.
"Anong oras bukas?"
"Ay grabe ka, ang haba nung sinabi ko di mo narinig?"
"Narinig ko naman"
"Basta yun, kita nalang tayo bukas. Tatawagan kita bago ako pupunta ng Cathedral"
"Ano pang kailangan dalhin?"
"Haysss, check mo nalang sa gc may announcement chuchu doon, pwede ka ring magbackread kung gusto mong makichismis ng mga balita satin"
"Di na noh!"
"Grabe ka talaga, umuwi lang tayo bumalik ka na naman sa dati. Miss mo na si Drake? o si Rence?"
Kumunot agad ang noo ko sa pinagsasabi ni Andi sa kabilang linya.
"Bahala ka nga diyan, kakain muna ako"
Binaba ko ang tawag at itinabi ang phone, tatawag naman yun bukas, tsaka na ako maghanda.