Chapter 64
"Kasama ko siya, kayo ni Mike ang inaasahan ng bata. Huwag na, oo pauwi na kami"
"How is she?"
"Ako pa yung sinisi, di talaga nagbago"
"Forget about it, atleast she's safe"
Di ko namalayan na nakaidlip pala ako, napaupo ako ng maayos at tiningnan kung saang dapit na kami napadpad.
Dumidilim narin ang paligid, ang bilis naman ng oras. Tulog lang pala ang kailangan para makalimutan ko ang mga nangyari.
"Hey, can you follow me on IG? @ErikaMaureen and my twitter too?"
Napapikit ako sa boses ng babae, nilingon ko siya at agad na nginitian.
"Sige, pero dead batt pa ako"
"Okay, just don't forget"
Girlfriend ba talaga to ni Rence? Di halata. Mukhang mas bata pa yata to sakin. Bet niya pala yung medyo bata ha.
Ilang minuto yata ng byahe ay gumabi na ng tuluyan, naging pamilyar narin ako sa mga dinaanan namin.
Di na ako nagulat nung huminto ang sasakyan. Dali dali kong kinuha yung dalang bagahe.
"Erin, tatawag ako mamaya. Andiyan na yung Mama mo sa loob"
"Sige pa"
Napasulyap muli ako sa babaeng katabi at agad lumabas nung pinagbuksan ako ni Rence. Di ko masyadong napansin na gising na pala to.
"Erinnnnnnn, nako salamat naman at nakauwi kana anak"
Di ko inasahan ang biglang pagyakap ni Manang Lucy sakin.
Narinig kong umalis na sila Papa kaya pumagilid kami.
"Kumusta ka na?" Parang nahilo yata ako sa patuloy nitong pagyakap sakin. Pinipigilan ko ang sariling emosyon matapos marinig ang tanong ni Manang. Hanggat kaya ko pa pinipigilan kong manghina.
Humiwalay ito saglit pero pinisil pisil naman nito ang pisngi ko.
Ngayon ko lang tuluyang naramdaman na may naghihintay pa pala sakin, na masaya itong nakabalik ako matapos maligaw ng halos isang linggo.
Tanaw kong lumabas ng gate si Mama kaya lumayo ako kay Manang.
"Anak, andito ka na talaga! Kala ko di na kita makita ulit" Niyakap niya ako at hinimas himas ang likod.
Kahit anong pigil ko, may namumuo ng luha sa mga mata. Nilabanan ko ang sariling emosyon, ayokong manghina dito ng basta basta.
"Sorry, di ako ang sumundo sayo. Sinubukan naming bumiyahe ni Mike pero naunahan na ako ng papa mo".
Nadismaya ako sa narinig pero di na ako sumagot, wala akong maintindihan sa sinabi nito. Dapat pala may mauuna sa pagsundo sakin? Oh wala lang talaga silang maibigay na oras.
Mas bumigat yung pakiramdam ko kaya humiwalay na ako sa pagkakayakap.
Hindi ako tumitingin kay Mama kahit hinawakan na nito ang kamay ko.
"Akin na to Erin" wika ni Manang sa gilid at kinuha yung mga dala dala kong bagahe.
"Anak?"
Hindi ako umimik nung magsalita ulit siya,
binawi ko rin agad ang kamay na hawak hawak nito.
Umuna akong naglakad papasok ng bahay. Rinig kong tinawag niya uli ako pero wala na akong lakas para humarap sa kanya.
Tumulo na rin ng tuluyan ang mga luhang pinigilan ko kanina. Pagkapasok ng kwarto ay sumampa ako sa kama.
Ngayon ko hinayaang dumaloy ng tuluyan ang mga luha. Hindi ko maisa isa ang nilalaman ng isipan basta ang alam ko lang nasasaktan ako.