Chapter 63
Nagtama ang tingin namin ni Rence nung pumasok ako, agad akong umupo sa unang pwesto.
Naabotan ko pang minamasdan ako ni Papa sa maliit na repleksyon at agad itinuon ang tingin sa pagdadrive.
Katabi nito yung Mommy ni Rence, hindi sya lumingon sakin pero mas naaninag ko yung maputing balat ng siko nito.
"Hi, may food dito, binili pa ni Tita Elisse for you"
Biglang sulpot ng pagkain sa likod ko na binili pa yata sa sikat na fast food.
"Okay lang" sagot ko sa babae at mas piniling sumandal sa gawing bintana.
Nakatoon ang tingin ko sa repleksyon sa gawi ni Papa, kita ko kung paano sya umirap, kaya di ko nalang din pinansin.
Tila yata tumagal ang oras nung umalis na kami, wala akong masyadong narinig maliban lang dito sa Jowa ni Rence na di yata nasanay tumahimik.
Paminsan minsan kong naabotan ang pagsulyap ni Papa sakin. Maging yung babaeng maganda na katabi nito.
Possible kaya mangyari ang tumatakbo sa isipan ko?
May work naman si Papa kaya imposibleng trabaho niyang ipagdrive ang Mommy ni Rence.
"Renccyy, your phone?"
"Dead batt"
"Why?"
"I told you, let me rest"
"You've changed"
"Use your phone, don't disturb me"
Nakikinig lang ako sa kabebehan ng dalawa sa likod.
Jusko! Mas gustuhin ko pa yatang si Mich ang makakwentohan nitong si Rence kaysa sa Jowa niyang to.
Bumalik sa isipan yung mga pangyayari kanina, kailan kaya kami magkakasama ulit.
Pakiramdam ko, wala akong naging problema nung kasama ko yung mga taong yun.
Pero kung iisipin sa reyalidad, napakalayo lalong lalo na ngayon. Di ko mabilang kung ilang beses gumulo yung isip ko kanina at paniguradong madagdagan pa ulit ito mamaya.
Ilang minuto rin akong nakatitig sa kawalan, medyo nahilo rin sa ginagawa kaya agad akong napaupo ng maayos.
"Water"
Boses iyon ni Rence at may ibinigay mula sa likod.
Tinanggap ko iyon tsaka dali daling binuksan.
Naabotan kong lumingon ang Mommy nito kaya hininto ko ang pag inom.
"You need anything, Erin?"
Umiling lang ako at itinabi ang tubig na binigay ni Rence. Tumango lang ito sakin at itinoon ang tingin sa daan.
Ngayon ko lang sya natingnan ng malapitan, nagmana yung mga mata ni Rence dito. Mukha namang mabait, pero mahihiya kang lumapit. Nakakagulat rin na alam niya ang pangalan ko.
"Rence, are you fine?"
"Yes, just want to sleep"
"Okay"
Nagtama yung tingin namin kaya iniwas ko ang atensyon sa repleksyon.
Dati na kaya silang magkakilala ni Papa? O dati niya pa akong kilala?
Pero impossible naman nun, ilang beses na kaming nagkasalubong sa school napaka sungit pa.
Tama! Kung kilala niya ako ba't niya pa tinanong kung anong pangalan ko nung naghihintay kami ni Andi sa baba ng bus, matapos ang unang byahe para sa entrance exam?
Maging yung pwesto sa bus mismo, tinawag niya pa kami ni Andi at nagtanong kung wala ng espasyo sa gawi namin tsaka niya nilagay yung isang bag ko sa tabi nito.
Kung kilala niya ako, di sana "Girls" yung tawag nito samin ni Andi. Pwede niya naman akong tawagin sa pangalan ko mismo, kung ako lang naman din ang sadya. Total yung bag ko lang naman ang itinabi nito.
Kaya impossibleng kilala niya ako.
Yung mga pinapakitang ugali nito sakin, maging yung pakikitungo nito na minsan ko na ring naisipan ng ibang kahulugan.
Impossible. Baka nagkataon lang.