Chapter 62
"Oo tama na no, naiipit narin kami dito"
Agad na bumitaw ang mga kasama sa pagkakayap matapos magsalita ni Mich.
"Tong si Drake ayaw bumitaw"
"Pinagsasabi mo dyan"
Napangiti ako kahit sandali sa kalukohan ng mga kasama.
Sapat na siguro to para makalimutan ko ng panandalian yung iniisip ko kanina.
Alam kong walang magbabago pag uwi ko, pero dadalhin ko ng matagalan ang mga bagong kaibigan na nakilala ko dito.
"Nako umalis ka na Erin, bago ka pa mapigilan nitong isa".
Natawa ako at agad na tumango. Hindi talaga aawat sa kalokohan tong si Warren.
"Catherine? Tara na"
"Sige po" Ngayon ko lang napansin na kami nalang pala ang nandito.
Sumabay ako kay Sir Mendoza palapit kung saan nakapwesto sila Andi.
Di ko parin binibitawan ang tingin sa mga kasama, parang mga batang iniwanan ng magulang kung makabusangot.
Ilang sandali pa ay itinuon ko ang tingin sa gawi ng van, nakabukas na ito kaya mukhang ako nalang pala ang kulang.
Lumabas yung ilang guro at inalalayan yung dala dala kong bag.
Sa huling pagkakataon bago ako pumasok ay nilingon ko ang bahay kung saan nasa gate parin ang mga kasama.
Maging ang huling dating na sasakyan ay nilingon ko rin, pero di ko inasahan ang makikita ko.
Pano siya napunta dito?
Sinusubukan kong kumurap at ilinaw ang mata ng paulit- ulit.
Imposibleng susulpot si Papa sa oras na to, di ko naman sya sinabihan, kung si Mama at Tito Mike siguro maniwala pa ako.
"Nandito pala si Rico, ngayon lang yata nakarating"
"Kasama sila ng family ni Sir Lao"
"Ganun? So magkasabay lang tayo dumating?"
Nakatutok yung tenga ko sa mga kasamahan namin sa Van pero diretso lang ang tingin ko sa isang gawi.
Wala akong maintindihan. Nakayuko lang si Papa na lumapit sakin.
Halos ilang hakbang lang yung distansya ng sasakyan namin dito.
Isang bahay ang layo kina Manong Andres, kaya natatanaw lang ng mga kasamahan ko dito sa van.
"Erin"
Di ko napansin na nakalapit na pala ito sakin. Naguguluhan ako kung saang lupalop siya nanggaling at sumusulpot lang ng ganito.
Baka tama ngang kasabay ito ng family ni Rence, pero ba't naman siya sasabay doon.
Agad niya akong niyakap, hindi ko nalang din nilabanan pa dahil di ko mabuo buo yung kaguluhan na tumatakbo sa isip ko ngayon.
"Akala ko di na kita makikita ulit"
Bumitaw na ito sa pagkakayakap sakin.
Hinawi niya lang yung buhok ko at lumingon sa mga kasamahan namin sa van.
Wala na akong narinig sa sinabi niya kay Tita Mira at sa mga guro. Tila nahinto yung kakayahan ng sarili kong mga tenga.
Anong nangyari?
Ang hindi ko lang maintindihan pano niya nalaman kung nasan ako? Hindi naman sila masyadong close ni Andi para alamin kung nasan kami ngayon.
"Ihahatid na kita sa bahay, isasabay kita kay Rence"
Medyo natigilan pa ako sa pangalang nabanggit pero di ko pinapahalata kaya tumango ako agad habang sunod sunod sa kanya, ngayon ko lang napansin na nakuha na nito ang mga bagahe ko.
Para akong nilipad ng hangin sa bilis ng mga pangyayari. Ang alam ko lang naguguluhan ako, tungkol kay Papa, paano siya nakarating dito, bakit niya kilala si Rence, bakit dito kami makisabay. Isama pa dun yung hindi pagsipot nila Mama, kung anong anong paliwanag na naman ang gagawin nun.
Naiinis ako na hindi ko alam, baka mas mabuti yata na hindi na ako bumalik. Baka matuwa pa sila na tuluyan na akong naligaw sa gubat.
Nakakapanghina.