Chapter 61
"Maaaaaaaaaa!!!!!"
Agad na tili ni Andi nung makita si Tita Mira. Kahit ilang distansya yung layo ko rito, kita ko kung paano napaiyak si Tita.
Di ko mapigilang mapalunok dahil sa pilit na pagtago ng emosyon.
Lumapit din sa gawi namin yung ilang teachers, kaya medyo nagulat rin ako.
"May parating Mich, sa inyo yan?"
"Hindi, maya maya pa yung samin. Ikaw? Anong oras ka susunduin?"
"Pagkatapos yata ng shift ni kuya, siya lang naman marunong mag drive"
"Sabay nalang tayo, para di ka maiwan dito"
Ewan ko ba pero biglang akong kinabahan sa oras nato.
Sure akong hindi to sila Mama, ibang iba dito yung sasakyan nila.
"Mukhang sinusundo ka talaga ng Mommy mo Sir Lao"
Rinig kong sabi ng isang teaher, magkalapit parin kami. Habang si Andi ay andon na sa loob kasama ni Tita.
Sunod sunod ang paglunok ko. Pati pala dito, di ako kayang sunduin nila Mama. Sabagay, ano pa bang bago?
Pilit kong baguhin ang takbo ng isipan, ayokong makitang kawawa at mag isa sa oras nato.
Sana nga baka nahuli lang, matatanggap ko pa yun.
"Erin? You okay?"
Nakaramdam ako ng kamay sa may balikat. Nagtama ang tingin namin ni Rence kaya umiwas agad ako.
Tinanguan ko lang sya at hinintay na huminto yung panibagong sundo. Maganda rin siguro ang Mommy ni Rence, syempre may pinagmanahan.
Wala kaming ideya kung buong pamilya o yung Mommy niya lang ang nasa loob nito.
"Jessy, may susundo na sayo?"
"Meron na Drake, di pa pala kayo umaalis?"
"Ewan ko ba diyan, di mapakali"
"Ilang minuto nalang bro, mas panatag yung loob ko pag lahat tayo makakauwi"
"Panindigan mo yan, sermon talaga ang abot mo mamaya"
Kahit nakatutok yung tingin ko sa mga bagong dating ay rinig na rinig ko parin ang pinagsasabi ng mga kasama. Si Andi nalang pala yung kulang, halos kumpleto na.
"Renccyyyyy"
Natigilan kami sa babaeng papunta sa gawi namin.
Di ko namalayang nahatak ako ni Jessy kaya nabigyang espasyo si Rence na nasa likuran ko kanina.
Nagulat rin yata si Rence sa agad na pagyakap ng babae, hindi naman sila magkamukha kaya possibleng kapatid niya to?
Magkasing tangkad lang siguro sila ni Andi kaya napakaliit tingnan kung itatabi kay Rence.
"Chicks"
"Shhh tigilan niyo yan"
Napatingin pa si Rence sa amin kaya pilit nyang iniiwas ang babae, nahihiya yata.
Malamang jowa niya to, well maganda naman, cute, makinis.
May lumabas ulit na babae pero hindi ito lumapit sa gawi namin.
Mommy niya to.
Lumapit si Rence don kaya napasunod yung Girlfriend niya pabalik ng sasakyan.
Maganda yung Mommy niya, elegante , makikita mong may ipagmamalaki talaga.
"Ba't kaya di natin natanong kung may kapatid pa sya?"
"Mukhang wala yata"
"Wow Mich, alam na alam"
"Sige tanungin mo"
"Sabi ko nga wala"
Mukhang dalawa lang yata yung susundo kay Rence.
Mag ilang minuto narin mula dumating yung mga sundo ng mga kasama kaya impossibleng kasabayan yung sasakyan nila Tito Mike.
Ano pa bang inaasahan ko? Wala namang bago.
Pagod na akong umasa, sasabay nalang ako kina Andi.
"Uy uy, aalis ka na?"
Boses iyon ni Warren na ikina lingon ko.
Napabuntong hininga ako matapos tumingin sa kanila.
"Mauna na kami sa inyo guys, ingat kayo sa biyahe" wika ko rito tsaka ngumiti.
"Erin" hindi paman rin ako maka alis eh niyakap ako ng biglaan ni Jessy hanggang sa naramdaman ko nalang na naipit na ako sa gitna.
Nakisali yata lahat kahit si Jessy lang ang may balak nito. Di ko tuloy maiwasang mapangiti kahit halos di na ako makahinga sa ginagawa namin.
"Uyy drake, gustong gusto ah?"