Chapter 60
"Yes, I'll try to ask someone here".
Boses iyon ni Rence na kakalabas lamang ng sala, nakasandal parin ako sa may upuan dito sa gilid.
Tanaw ko sa labas sina Jessy, Mich, Drake at Andi na seryosong may pinag usapan.
"Now? Yes, she's with me. Okay, we'll wait"
Di ko inasahang magtama ang tingin namin ni Rence matapos ibinaba ang tawag kaya napaiwas nalang ako at agad na tumayo, balak alamin ang pinag usapan ng mga kasama sa labas.
"Where are you going Erin?"
"Dito lang sa labas, bakit?"
"Nothing, secure your bags first. We'll go home any minutes from now"
Tumango lamang ako dito at nagpatuloy sa paglakad palabas.
Hindi paman rin ako nakadaan ng gate ay tumingin na ang mga kaibigan sa gawi ko.
"Anong oras, kayo uuwi Rence" tanong ni Mich, mukhang nasa likod ang tinutukoy.
Hindi ko na kailangang lingunin ang taong nakasunod sakin kaya nagpatuloy akong lumabas ng gate.
"Minutes from now"
"Agad agad?" gulat na tanong ni Andi, mukhang walang balak umuwi.
Ngayon ko lang napansin ang puting sasakyan na nakaparada sa gilid. Hindi mo ito makikita kung andun ka sa loob ng bahay.
"San si Warren? Ba't ikaw lang nandito? Di kayo magsasabay?"
"At siya talaga una mong hinanap"
Kumunot ang sarili kong noo matapos marinig ang sagot ni Drake. Nakatingin ito sa malayo pero pansin mong di ito direktang nakatutok dito.
"Napano ka na naman" nagtataka kong tanong sa kanya. Kung babae lang to pag iisipan ko talagang may dalaw na naman.
"Wala, nandun si Warren sa sasakyan, puntahan mo nalang"
Tinitigan ko lang sya hangga't magtama ang tingin namin. Anong problema ng lalaking to? Agad itong umiwas kaya napatahimik nalang din ako sa gilid.
"Drake, andiyan na si Manong, magpa alam na kayo"
Boses niyon ni Mich kaya napasunod rin ako sa tinutukoy nito.
Tumango lang ang lalaki at diretsong tinahak ang sasakyan gaya ng sinabi ni Mich.
Mukhang si Manong nalang pala ang hinintay nito para maka alis.
"Sandali, mukhang sila na rin to. Diba Cath?"
"Ang alin?"
Sinundan ko ang tinitingnan ni Andi, mas malapit ako dito sa kaliwa pero unang nakapansin si Andi na medyo malayo sa akin.
Pamilyar nga ang papasok na kulay itim na van, ito yung palagi kong nakikita na naka parada sa school, halos lahat yata ng estudyante samin eh maka kilala dito.
"Erin, bag niyo" Liningon ko ang boses ni Allen na ngayon lang naisipang lumabas ng bahay.
Karga karga nito ang bagahe namin ni Andi, habang nakasunod ang walang reaksyong si Rence dala dala pa yung dalawang plastic bags na puro labahan yung laman.
Oo alam ko, halos mga babae lang naman yung dumadami ang gamit pag uwian na. Kahit kasya naman lahat ng dala namin, hindi rin nadagdagan.
Nawalan pa nga! Pero ewan, di talaga kinaya. Nagdalawang isip tuloy ako kung pano ko kukunin sa kanya. Kung diretso kuha lang o may sasabihin pa?
Naghihintay parin si Rence na kunin ko yung isang hawak nito.
Kaya lang, medyo nakakatakot talaga ang awra niya ngayon.
Nakakahiya rin dahil kanina pa ako sinabihan na
e secure muna yung bags. Tapos siya rin pala gagawa.
"Sa- salamat"
Umiwas ako agad nung pumalpak yung sinabi ko. Ba't pa kasi ako nagsalita? Nakakahiya.