Chapter 59
Nakalabas na ang lahat ng mga bagahe sa sala, habang wala kaming magawa kundi ang maghintay sa kanya kanyang tawag para sunduin.
Mag aalas dos na ng hapon, tirik na tirik ang araw sa labas kaya nakatambay ang ibang kasama sa veranda para magpahangin, masyadong mainit sa loob.
"Wag na kayong mag alala, may susundo na sakin"
Wika ni Jessy matapos ibaba ang phone.
Nginitian ko lang sya at napaupo ng maayos sa couch na hindi naabotan ng sinag ng araw. Kaming tatlo lang ni Allen at Jessy ang nanatiling nandito sa loob. Habang yung lima ay nasa labas.
"Allen, kanina ka pa nakatayo diyan"
"Okay lang, baka makatulog ako pag uupo"
"Gigisingin ka nalang namin, may upuan naman sa labas"
Nakikinig lang ako sa usapan ng dalawa, kumportableng naka upo sa kabilang couch si Jessy habang tong lalaki ay nakapwesto na naman sa may pinto. Dati ba tong aso sa past life niya? Ang hilig mag abang sa pwesto na to, kulang nalang sa labas tatahol but hindi sya masyadong maingay.
Ilang minuto akong nakikinig sa usapan ng mga kasama, maging yung kwentohan sa labas ay abot hanggang dito. Pinag usapan parin yung nangyari kaninang umaga, lalo na yung mga bisita at sa mga maaring mangyari pagbalik namin.
Hindi ko namalayan ang mga pangyayari dahil napaidlip nalang ako.
"Sandali nga lang ma, maaga pa naman oh"
"Ano ba Angelo, andon na si Warren sa labas ano pa bang hinihintay mo?"
Nakarinig ako ng panibagong boses kaya napamulat ako agad.
Nilibot ang tingin at napaupo ng maayos ng madatnan si Rence na nakaupo sa kabilang couch.
"You okay?"
"Ha? Ah oo, anong nangyari?" Tanong ko sa kanya, pansin ko rin na wala na ang mga bagahe sa sala.
"Oo kasi, mauna ka na!" Boses iyon mula sa labas.
"They're leaving now"
Di ko mapigilang alamin ang pinanggalingan ng boses, kinusot kusot ko muna ang mga mata at inayos ang sarili.
Hindi pa man rin ako nakatayo ay pumasok si Drake at napahinto nung magtama ang tingin namin.
Nag iba ang awra nito, kaya nagtaka rin ako dahil baka merong nangyari.
"Gising ka na pala"
"Anong nangyari?" Tanong ko rito at tumayo.
Inunahan ko siyang lumabas ng pinto, una kong napansin ang ibang kasamahan na nakatayo na sa labas. May nakita pa akong hindi pamilyar na mukha, siguro mga kapitbahay na naman.
"Drake, antagal mo raw! Tara na!" Boses iyon ni Warren dahilan para mapunta sa amin ang direksyon ng tinginan nila.
"Yeah, aalis narin yung iba" mahinang boses ng kung sino sa tabi.
Di ko tuloy napansin si Allen na nakaupo sa gilid at may katawagan. Katabi nito ang mga bagahe namin na pinagsamasama sa isang upuan.
"Oh, tinatawag ka na Drake"
Lingon ko sa lalaking nakasunod sa likod ko.
"Ah, Oo"
"Sige, Ingat kayo" wika ko at pumagilid para makadaan sya.
Pero lumipas ang ilang segundo ay nakatayo parin ang lalaki, tila hindi mapakali.
Tanaw ko sa labas kung paano nainis si Warren at akmang papasok na naman ng gate.
"Sige, Ingat ka palagi Erin" mahinang wika nito sakin at naglakad palabas.