Chapter 6
"Hindi ko pa kayo pinayagang lumabas at di rin kayo nagpaalam sa kahit isa samin. Pano nalang kung may nangyari sa inyo sa labas? Kargo pa ng school dahil di kayo na bantayan" wika nito dahilan para mapayuko nalang din sa narinig.
"Oh siya, Mr. Mendoza will guide you for your schedule tomorrow. Dapat before 7 naka ready na ang lahat ng di tayo mahuhuli. Understood?" Napatingin ako rito tsaka malimit na ngumiti.
"Thank you Ma'am" wika ni Andi.
Umalis na ito dahilan para mabuhayan ako.
"Girls, wag niyo nang ulitin yun without any consent from us okay? Di yon galit mukha lang galit" mahinang sabi ng Guro na tinawanan pa namin.
Pansin kong nakatayo lamang sa gilid ang isang kasama pero di ko ito nagawang tingnan.
"So Girls, Tomorrow dapat before 7 ready na ang lahat. I'll check you again later. Walang lalabas okay? Kung meron kayong concern puntahan niyo lang ako sa may lobby". Paalala nito samin.
"Opo Sir" sagot namin dito at hinintay silang umalis.
Buti na nga lang hindi yung isang guro ang napunta samin.
Tanaw ko ang likuran ng mga ito papalayo.
"Fresh Grad yata si Sir Lao, ang gwapo lang grabe"
Wika ni Shane na liningon namin lahat.
"Hoy bebe ko kaya yun!" Sagot naman ng katabi ko.
Mukhang may debate pa yatang magaganap kaya umuna na kong pumasok ng kwarto at tinahak ang pwesto.
May ibang nakahiga lamang at nakatoon ang atensyon sa cellphone.
Naisip kong mag facebook pero wala nga palang signal.
Kinabukasan
"Basta yang mga folder niyo, e secure niyo na baka mahighblood na naman si Senyora" paalala ni Kim na busy kakaayos ng kilay nito.
Liningon ko lang ang mga kasamahan na may sariling ginagawa habang ako eh ready ng lumabas at tahakin ang paaralan na pupuntahan.
Nakaupo lang ako sa pwesto ni Andi ng mapansing may kumakatok na sa pinto.
Wala akong choice kundi alamin kung sino ang mga ito.
Bumungad sa akin si Sir Mendoza na nakauniporme pa.
"Good Morning sir, ready na po kami" wika ko rito ng nakabukas lang ng kaonti ang pinto.
Liningon ko ang mga kasama at sinuri kong tapos na ang mga ito magbihis. Nang makontento at binuksan ko ng lubusan ang pinto.
"Mukhang di pa yata kayo ready ah?" Tanong nito ng mapansin na busy pa ang mga kasamahan sa pagpapaganda.
"Ready nako sir!" Masayang sabi ni Andi na ngayon lang natapos mag ayos ng sapatos.
"Sige may ilang minutes pa naman tayo, nasa lobby na ang lahat. Kung sinong tapos nang mag ayos pwede ng sumabay sakin"
Napatango nalang ako at sinunod ang suhestiyon nito.
Kapansin pansin ang preskong mga hitsura dahilan para makaramdam ako ng kaba sa mangyayari ngayong araw.
Ilang sandali pay may isang direksyon lang na tinitingnan ang grupo na nasa harap ko ngayon.
Sinundan ko ang mata ng mga ito, di ko paman nakwento ang sasabihin agad kong naramdaman ang siko ni Andi.
Naibalik ko ang atensyon sa harap.
Pansin kong may iilang babaeng kinikilig, sabagay sino ba naman ang di mukhang gwapo kung bagong ligo at sobrang ayos.
Dumaan na ito sa harap namin sunod sunod ang mga estudyante nito.
Ilang minuto pa ay kumpleto na ang mga kasamahan ko kaya agad na kaming lumabas.