Chapter 5
"Dito na ko sa baba, dyan ka sa taas Cath" wika ni Andi at agad nilagay sa deck nito ang iilang gamit.
At pumili pa talaga ha, well wala naman akong choice since siya yung unang pumasok.
May 8 na double deck kada kwarto. Dito muna kami panandalian mag stay for 3 days.
Di pa namin lubusan nalibot yung lugar. Mukha syang isang lungsod pero napalibutan ng gubat.
Inayos ko na rin ang gamit ng makapagrest kahit ilang minuto lang. Halos mga classmates ko lamang ang kasama namin dito, puru kasi kami babae sa section namin at ganun rin sa iba. Siguro dalawang bus ang nagamit ng school papunta rito.
Humiga lang ako matapos inayos ang gamit.
"Anong oras nga tayo bukas Shane?"
rinig kong tanong ni Andi sa baba.
"8 AM yata, pero dapat before 8 nandon na tayo"
"Kim, paki abot nung pouch"
"Gutom na nga ako eh"
"Wala kasing signal diba?"
"Labas tayo tara!"
Naghalo na lahat ng narinig pero wala parin akong imik. Napagod yata ako sa biyahe kahit pwet lang yung gamit.
Ilang sandali pay tumambad si Andi sa gilid pero di ko ito nilingon.
"May date kami ni Sir Lawrence, sama ka?"
Natawa nalang ako sa sinabi nito.
"Asa ka pa" Sagot ko sa kanya ng mapansing nasa mood ito ng kalukohan.
"To naman di mabiro, kain muna tayo gutom nako Cath!"
Inirapan ko nalang sya tsaka bumangon sa pagkakahiga. Tong babaeng 'to talaga!
Paglabas namin ng kwarto, mapapansin na hindi pa tapos mag ayos ang lahat. May nakakasalubong kaming mga kaklase dati na nasa ibang strand na.
May iilang di namin namumukhaan.
Nakuha ng atensyon namin ang mga gurong nasa may lobby. Mukha di pa ito tapos sa pinag usapan nila kanina. Tanaw ko ang isang guro, para syang presidente ng student council na pinasali lang sa usapan. Seryoso itong nakatingin sa mga kasama.
Agad kong naramdaman ang siko ni Andi. Pag talaga ganto yung paraan niya ng pagtawag mukhang alam ko na kung sino yung tinutukoy nito.
"Feeling ko close na kami ni Sir mula kanina" kinikilig nitong sabi na ako lang ang nakakarinig.
"Akala mo lang yun! Ganyan din yan sa lahat". sagot ko rito na mukhang di nya nagustohan.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad at lumabas.
Simple lang ang lugar, pero masayang tirhan.
May mga bahay sa harap at iilang mga tindahan.
Tanaw namin sa di kalayuan ang usok na sa tingin koy may iniihaw. Nagutom ako bigla sa naisip kaya't nagpatuloy kami sa paglalakad.
"So 67 sakin, then 55 sa kanya?" Tanong ni Andi dun sa Ate na mukhang bata pa samin.
"Yes po, 122 lahat"
Agad na lamang itong binalot at kinuha ang bayad.
Tumitingin lang ako sa paligid dahil naninibago pa rin ako rito.
Nang maglakad pabalik tsaka pa namin kinain yung biniling barbeque.
Naalala ko tuloy si Papa dati, parati niyang binibilin sakin na wag bibili ng mga pagkain na nasa labas unless alam mo kung paano ginawa. Pero ang lahat ng iyon ay parang wala na ring saysay.
Pagdating namin doon ay may iilang di pamilyar ang mukha na nakatambay sa labas. Mukhang taga ibang school, halo halo ang mga ito may grupo ng lalaki ang babae.
Medyo nahiya pa akong dumaan sa tapat ng mga ito.
May iilang kakalabas lang din at mukhang merong pupuntahan.
"Cath, san kayo galing? Nako kanina pa kayo hinanap ni Mam Ruiz" salubong sa amin ni Kim mukhang kami lang yata ang sadya nito.
Binilisan namin ang lakad.
"Bakit raw?" Tanong ko rito.
"Kinakabahan ako Cath"
Liningon ko si Andi na bakas ang kaba sa itsura.
Malayuan pa lamang ay kita na na may nagkukumpulan sa kwarto.
Binigyan nila ng espayo yung tinutukoy na naghihintay samin pero di lang pala sya, may mga kasamahan pa.
"San kayo galing?" Bungad na tanong ng babaeng nasa 40+ ang edad.
Agad kong nilibot ang tingin, mga kasamahan namin sa kwarto at dalawa pang guro kasama na don si Sir Lawrence. Medyo nahiya pa tuloy ako!
"Sorry po ma'am, lumabas lang po kami para bumili ng pagkain" nakatungog paliwanag ni Andi.
Ako man ay kinakabahan dahil para kami masermonan sa oras na to.