Chapter 58

Umabot yata ng dalawang oras bago umalis ang mga bisita. May iilang kapit bahay paring nag usap usap sa veranda, tila tinatanong si Manong Andres sa mga pangyayari.

Nagtagal lang naman ang mga bisita kakatanong sa pahayag ni Rence. Masyado yatang naapektohan ang lahat sa mga kumentong nabasa sa social media.

"Oo, balitaan ko nalang kayo" rinig namin ang boses ni Manong, mukhang umalis na ang mga chismosa este mga kapitbahay.

Tahimik lamang kami nung pumasok ito, kasalukuyang naghihintay sa sala.

"Alas dose na pala, nakahanda na yung tanghalian sa kabila. Okay lang ba kung dun kayo kakain? "

Hinintay kong sumagot ang mga kasama na wala paring ganang kumilos matapos ang nangyari.

"Sige po"

"May problema ba?" Sunod na tanong nito kaya dali dali kaming napatayo.

"Nako, wala po tara na?" Sagot ni Drake at umuna ng lumabas ng pinto.

"Grabe nakakagutom pala maging artista"

"Luh ang kapal"

Huminto si Warren at agad na lumingon. Kaya nastuck kaming nasa likod nito.

"Bro, ano ba?"

Kumunot lang ang noo nito matapos marinig ang boses ni Allen.

"Itong si Andi, pagsabihan niyo nga, nagpapapansin na naman"

"Tse!"

Hanggan kailan kaya magkakaayos tong dalawang to? Mukhang hindi na yata? Naging tahimik naman sila nung nakaraang araw. Kung saan mag uwian tsaka ulit magbabangayan.

Magkahanay lang kaming nakasunod papunta ng kabilang bahay. Halos pareho ang disenyo pero mas maluwag ito. Siguro nasa anim ang kwarto dahil tatlo magkabilaan.

Tanaw na namin mula sa sala ang mga nakahandang pagkain sa Dining Area. Nakaupo narin ang dalawang lalaking nangungunang naglakad kanina.

Walang masyadong umimik nung magsimula na kaming kumain. Panay tingin lamang ang ginagawa nito.

"After nito di na tayo magkikita" biglaang basag ni Drake sa katahimikan. Nagpatuloy parin ito sa paglamon habang kami eh napaisip sa sinabi nito.

"Anong hindi? Parang di magkapitbahay ah" sagot ni Warren dito.

"Hindi ikaw"

Napasimangot ang kaibigan tsaka nagpatuloy kumain.

"Nagpaparinig ka lang naman kay Erin"

Nagulat ako sa sinabi ni Warren, kaya napatingin ang lahat sa direksyon ni Drake na tila pinipigilan ang pag galaw ng mga mata.

"Anong meron Drake?" Tanong ko dito habang nagpatuloy parin sa paglamon.

"Ha? Wala, malay ko diyan kay Warren"

"Sus, sinabi mo pa ka - - - - Agay! Ano ba bro"!

Nagtaka kami sa pinag gagawa nitong dalawang magkaibigan. Mukhang pinipigilan ni Drake ang gustong sabihin nitong isa.

"Masyado kang maingay kumain ka na diyan".

Napabusangot nalang si Warren at nagpatuloy kumain.

"Okay lang ba kayo dito?" Napalingon kaming lahat kay Ginang na may dala dala na namang softdrinks. Kita ko kung paano naexcite ang mga kasama, maging ako ay nakaramdam narin ng uhaw.

"Pwede ba kaming bumalik dito?"

"Warren!!" Halos sabay naming suway sa nag iisang lalaking puro kalokohan ang alam.

"Ay oo naman siyempre, kung kailan niyo gusto" Malumanay na sagot ni Ginang.

"Salamat po, pero wag ho kayo maniwala dyan. Gusto niya lang dito dahil maraming pagkain" Agad na sabi ni Andi na katabi ko lamang sa kanan.

"Ay grabe sya! Naubos mo nga yung ulam oh!"

"Nahiya naman ako sa pangatlong balik ng plato mo"

"Ay mga batang to, tigilan niyo yan. Welcome kayo dito palagi"

Napailing ako sa walang katapusang bangayan ni Andi at Warren.

Matapos ang ilang minuto ay bumalik narin kami sa kabilang bahay para makakain narin sina Manong at Ginang.