Chapter 57
"Po? Bakit po?" Boses iyon ni Allen na nakatayo parin sa may pinto, pakiramdam ko isa sa may ari ang kausap nito, liningon ko lang sya na nakasilip parin sa screen, gawa ito sa modernong disenyo.
Ilang sandali pay tumambad si Ginang kaya napatayo kami.
"May naghahanap sa inyo, kanina pa ako kinukulit ng mga kapit bahay"
Maramdaman mong nangangamba si Ginang na humarap sa amin.
"Bakit po?" Sunod na tanong ni Warren.
"Mare, andito na sila! Pagbuksan mo kami ng pinto"
Dali dali kaming nagtinginan matapos makarinig ng sigaw mula sa labas. Pilit pa nitong ginagalaw ang gate kaya nagkaroon ng ingay.
"Nako! Anong gagawin niyo?" Nag alalang tanong nito samin. Napagilid ako sa gawi nila Drake dahil kita yung likod ko kung titingnan sa labas.
"Anong nangyari dito?"
Sulpot ni Mich na nakatowel pa, dala dala ang mga damit nito.
"Hoy magbihis ka muna!"
Ngayon lang yata natapos si Mich sa pagligo at dali daling dumiretso ng kwarto.
Ilang sandali pay, nakapasok na ang mga kapitbahay dahil mas lumakas ang boses nito. Kasalukuyan itong naghihintay sa veranda.
"Ester, buksan mo tong pinto! Taga Regional TV nandito!" Boses iyon ni Manong Andres.
Nagtinginan kaming lahat at walang gustong magdesisyon.
Dumating din sina Andi at Jessy, tila nagtaka sa mga pangyayari.
"It's okay, we have to face this" tugon ni Rence at tumango sa gawi nila Allen at Ginang na kasalukuyan paring nakatayo sa pinto.
Naupo nalang ako sa sofa at naghihintay sa maaring mangyari. Halos hindi kami magkasya sa upuan dahil tumabi sina Andi at Jessy.
Nang mabuksan ni Allen ang pinto ay agad bumungad si Manong Andres, kasunod ang tatlong mga bisita.
Pareho ang soot nito, maging ang kanilang ID. Kahit hindi mo tanungin malalaman mo na agad na taga media ang mga ito. Isang babae at dalawang lalaki.
May kanya kanyang dala, itong babae lang ang medyo lumapit sa amin, mukhang reporter dahil sa bagay na hawak nito. Habang yung dalawang nasa likod ay naatasan sa camera.
Napatayo kaming lahat at binigyang espasyo ang sala. Pinag gitnaan si Manong Andres na nakaupo sa sofa, kasalukuyang tinatanong ng bisitang babae habang nakasilip kami sa gilid malapit sa dining area.
"Tatlo o Apat na beses sa isang linggo. May mga puno kaming binabantayan kaya pabalik balik ako dun. Kaya lang kahapon, pauwi na ako nung makita ang grupo nila".
"Hindi ho ba kayo nagtaka kung bakit merong mga estudyanteng pa gala gala sa gubat?"
Nakatoon ang atensyon sa sala, parang may krimen na nangyari at si Manong yung isa sa mga witness.
Yung mga kapitbahay ay naka abang din sa veranda, tila nagmamatyag sa mga pangyayari.
Nang mapansin kong apat nalang kami nina Andi, Allen at Mich ang nakatayo ay agad kong hinanap ang mga kasama.
Tahimik lamang itong naghihintay sa may dining area, kaya napasyahan ko narin ang umupo.
Kapansin pansin si Jessy na seryosong nakatutok sa hawak na phone. Nilibot ko ng tingin ang mga kasama na nakatingin rin pala dito.
"Jessy, may susundo naba sayo?" Pabulong na tanong ni Warren.
Hinintay namin ang reaksyon nito, ibinaba niya ang phone at naisandal ang pisngi sa mga palad tila problemado.
"Rence, hinahanap ka" sabay kaming napatingin kay Allen matapos marinig ang boses nito.