Chapter 56
"Nasa kwarto parin si Rence?"
Tanong ko sa dalawang lalaki na magkatabing nakaupo sa sofa at mukhang busy sa pinapanood nito.
Si Drake lang yung tumingin sakin habang si Warren eh hindi talaga natinag yung tingin sa pinapanood.
"Oo, ba't mo hinahanap?"
"Wala, may itatanong lang" sagot ko sa kanya at umupo ng couch.
"Bad mood ka parin? Kanina pa yan ah"
Agad ko siyang tiningnan pero wala akong makitang kakulitan dito.
"Hindi ah, ang tsismoso mo kahit kailan"
Sagot ko, tsaka ibinaling ang tingin sa hinahawakang bagay.
Kahit di ko bet mag open ng data, wala akong choice kundi buksan ito.
"Uso tingnan yung friend request, baka masapawan yan"
"Pinagsasabi mo? Di naman to facebook"
"Ang daya mo naman, wag na nga lang kakahiya naman sayo"
Nagkibit balikat nalang ako sa naging sagot ni Drake.
Pasimple akong nag log in sa facebook, ilang segundo palang ay tila sasabog ang phone sa daming notifications.
Anong pinag gagawa ko last week at dumami ng ganto ang naka alala sakin.
"Usog ka nga"
"Bakit ba? Dalawa lang naman tayong nandito"
Boses iyon ng mga kasama, kaya di ko nalang pinansin.
Taas baba kong tiningnan ang laman ng notification pero halos lahat dito eh puro nakamentions at tagged posts.
"Usog ka, Erin tingin dito"
Tiningnan ko si Warren na ngayon ay nakatayo na, nasa harap ang phone mukhang balak kukuha ng litrato.
"Remembrance, baka sakaling di na kayo magkita! Awit HAHAHAHA"
Napakunot ang noo matapos marinig ang sinabi nito.
"Gago!"
"Asus, kala mo talaga inis na inis"
Hindi na kami sumagot pa, pero wala akong reaksyong maibigay. Bumitaw rin naman ito tsaka bumalik sa pagkakaupo.
"Pinag gagawa mo?" Habol na tanong ni Drake sa kaibigan.
"Thank me later, tomorrow and in the future"
Ewan ko ba dito sa dalawang to, di parin talaga natinag sa mga nangyari. Halos kalukuhan ang alam.
"Where's your friend, Erin?"
Medyo nagulat pa ako sa boses ni Rence, kaya agad akong napaupo ng maayos.
Kasunod lang nito si Allen sa likod, wala akong makitang reaksyon sa mukha ng tumawag sakin. Talagang bumalik na ang pagkasuplado nito.
"Nasa loob pa ng kwarto"
Tanging tango lang ang sagot niya sakin, tsaka umupo don sa kabilang couch. Nananatiling nakatayo ang kasama, mukhang balak lumabas ng bahay.
Ibinalik ko nalang ang tingin sa phone, nabuksan ko ang isang post mula sa notification. Ito yung post na may pabuyang 100 thousand ang San Pablo, ngayon ko lang lubusang nakita ang pagmumukha ko. Litrato pa yata mula sa Pictorials nung nakaraan para ilagay sa year book, kaya pala hindi masyadong pamilyar.
May mahigit 2 libong reactions at daan daang kumento.
"Ubos na yang dalawang estudyante, may guro ba namang kasama"
"Sayang, ang pogi pa naman. Kahit saang anggulo tingnan, yung guro ang may salarin"
"Mga taong to kung makacomment hindi muna inalam ang buong storya".
"Schoolmate ko tong guy before, hindi ako naniniwalang may gagawin to sa mga students niya"
"Manahimik kayo, gusto niyo lang naman nung pera kung ano ano pang sinasabi di naman nakakatulong"
Napalunok ako matapos mabasa ang iilang kumento, walang pagdadalawang isip na nilingon ang lalaking nakaupo sa harap na couch.
Ako lang pala ang walang alam sa kalagayan ni Rence ngayon.