Chapter 55
Naabotan pa naming seryosong nakatutok sina Rence at Warren sa kanya - kanyang phone. Nakatambay parin sa sala. Nang mapansin kami ng dalawa ay agad tumayo si Rence.
"Where is Andi, Erin? Tell her to get ready, so we can go home later"
"Hala agad - agad?" Tanong ni Jessy na nakasunod sakin.
Tiningnan ko ulit si Rence na naabotan ko pang sumulyap kay Mich at ibinalik ang tingin sakin.
"Sige" sagot ko rito tsaka inunahan si Mich sa daan papunta ng kwarto.
Dumiretso ako sa pwesto, sa gawing may pinakagilid kung saan nakalatag parin ang mga higaan. Nakaligpit na ito pero hindi parin naibalik sa lalagyan.
Agad kong kinuha ang phone at dali daling binuksan ang data. May natanggap parin akong ilang mensahe mula sa messenger pero wala akong balak buksan iyon.
From: Mama
Mag text ulit ako mamaya kahit di ka nagrereply. Wag kang lalayo kay Andi, tinitext sya ng Tito Mike mo. Pupunta kami mamaya diyan, pagkatapos ng work.
Napabuntong hininga nalang ako sa nabasa. Hindi ko alam kung ma eexcite ako dahil uuwi na? O malulungkot dahil babalik na naman kami sa dati?
Liningon ko ang dalawang babae na inaayos ang mga gamit na nailabas mula kahapon.
"Sunod ka na Cath"
Nakatalikod ako sa pinto kaya hindi ko nakita si Andi na kakagaling lang maligo.
Binilisan ko nalang yung paghanap ng masusuot tsaka lumabas ng kwarto.
Nakaupo parin yung dalawang lalaki sa sala nung makadaan ako. Tsaka dumiretso ng banyo at maligo.
Inabot yata ako ng ilang minuto dahil sa lubos na pag iisip sa mga nangyari. Parang wala akong gana, basta ang alam ko lang gumagalaw parin ako at pinagpatuloy ang buhay.
Lumabas ako ng banyo, medyo nagulat pa sa presensya ni Mich, mukhang maliligo rin.
"Nailabas na ng kwarto yung ilang bag Erin, isunod mo nalang yung sayo" wika nito sakin kaya tumango nalang ako tsaka ngumiti.
Ang tahimik ng dining area nung makadaan ako, kaya inasahan kong nakatambay ang mga ito sa sala.
"Oh, akala ko ba di kayo makakauwi ngayon?"
Malayuan palang eh tinanong na ako ni Warren habang nakatayo ito sa may pinto.
Mukhang nagpalit ang dalawang lalaki dahil sila na naman ni Drake ang nakatambay dito. Nakatayo tong isa, habang nakaupo lang sa sofa ang kasama.
"Susunduin yata ako"
"Kami rin, share ko lang"
Matapos marinig ang sagot ni Warren ay napailing nalang ako. Kahit kailan talaga hindi to matino kausap.
"Ewan ko sayo" sagot ko rito at tinahak na ang kwarto.
May sariling mundo ang dalawang babae nung makapasok ako, kaya agad ko nalang niligpit ang mga damit at inayos ito palabas ng kwarto.
"Anong oras daw tayo susunduin Cath?" Tanong ko sa kaibigan nung tapos ko ng iligpit ang lahat, seryoso itong nakatutok sa phone.
"Sabi ni Mama baka magkasabay daw sila ni Tito Mike, pero mukhang sasama rin daw yung ibang faculty di ako sure, si Rence lang yung may alam".
Napasandal nalang ako sa gilid tsaka inayos yung sarili habang nagpapatuyo ng buhok. Mag antay nalang ako sa maaring mangyari mamaya.
Pero di ako makapagpigil na tanungin yung lalaki, di parin talaga mawala sa akin ang mapaisip na baka di na naman ako sisiputin nila Mama. Ayokong umasa na dahil sa nangyari eh posibleng magbago ang lahat.