Chapter 54
Nagpatuloy lang kaming kumain ng dumating si Andi kusot kusot parin ang mga mata.
"Ang aga niyo naman!"
"Siyempre uwian na!" Sulpot ng bagong ligo na si Warren.
Anong meron dito at talagang gumising pa talaga ng maaga para maligo.
"Nakaligo ka na?"
Ngumiti lang ito sa nagtatanong si Andi tsaka umupo at kumuha ng tinapay.
"Kumain ka na dyan, wag mo kong masyadong tingnan alam ko namang nagwagwapohan ka sakin ngayon"
Sabay kaming napaubo ni Allen sa pinagsasabi nito, kaya agad natawa si Drake nung makita ang reaksyon ng kaibigan na dismayado.
Nang mahismasan ay wala na ring umimik dahil seryosong kumakain.
Dumaan si Jessy sa likod ni Warren na may dala dalang mga gamit, mukhang maliligo.
"Oh? Maliligo ka? San si Mich?"
"Si Mich? Nasa sala kasama si Rence, di mo nakita?"
Nakikinig lang kami kina Andi at Jessy, di yata napansin nito na kanina pang nag uusap yung dalawa sa sala.
Ano kayang pinag usapan ng dalawang yun? Naalala ko kagabi na hindi mapakali si Mich kakatanong tungkol kay Rence.
Baka tungkol sa nangyari? Yun lang naman yung hilig nilang pag uusapan, lalo pa't hawak hawak ni Rence yung phone kanina.
Pero pwede namang magkwentohan sila kasama kami, kailangan talagang e sekreto?
"Malamig na kape mo?"
Di ko napansin ang presensya ni Drake nung hinawakan nito ang tasa na nasa harap ko.
Tiningnan ko lang ito ng ilang segundo tsaka naisipang sumagot.
"Ha? Hindi pa, bakit?"
"Wala naman, di mo na kasi iniinom"
Agad kong kinuha ang tasa at uminom rito, baka ano pang masabi nitong katabi ko.
"Ba't mo naman ako binabantayan?" Tanong ko sa kanya ng di na tinitingnan.
Hindi kami masyadong narinig ng mga kasama dahil busy ito sa pagkwento.
"Sadyang napansin ko lang, wag mo ng isipin yung dalawang yun"
Liningon ko sya na may kunot sa noo. Ang chismoso talaga ng lalaking to.
Nagtaas baba ang mga kilay nito nagpapakitang tama ang hula niya.
Sino ba naman kasing di mapaisip kung umagang umaga ganon nalang yung bumungad sayo.
Pwede namang magkwentohan na kasama kami. Pero ba't ko nga ba iniisip yung dalawang yun? Edi magkwentohan sila magdamag, wala namang pumipigil.
Mag isang oras rin ang naging almusal namin, naikot pa namin yung bakuran nila Ginang na may mga tumutubong kamatis at cacao sa gilid. Kaonting kwentohan sa may ari bago ito bumalik sa kabilang bahay.
"Kaya pala sobrang laki masyado kung dalawang bahay tapos silang dalawa lang naman nakatira" Wika ni Drake.
Bumalik na ng kabilang bahay si Ginang matapos kami pinaghandaan ng agahan, boarding house pala ang tawag doon, karamihan sa mga naki upa ay yung mga taga San Lorenzo na nag aaral sa bayan.
Habang tong isa naman ay sa mga anak niya, pero doon sila sa kabila namamalagi.
Lima lang kaming nandito, tong dalawang lalaking magkaibigan at si Mich at Jessy.
Si Andi kasalukuyan paring naliligo, habang yung dalawang lalaki eh mukhang wala sa mood lumabas ng bahay.
"Wag nalang kaya muna tayo umuwi? Gusto ko pang tumira dito"
Wika ni Warren habang patuloy parin kaming naglilibot dito sa bakuran.
"Uuwi na ko no! Maiwan kang mag isa!"
"Kailangan na nating umuwi Warren, may graduation pa".
Napahinto ako ng marinig si Mich, naalala ko na naman na bukas na pala iyon.
Kinapa ko agad magkabilang gilid at ng maalalang hindi ko nga pala dala dala yung phone.
Agad nag siunahan papasok ng bahay ang dalawang lalaki, tila may nakalimutang bagay na ngayon lang naalala. Naiwan kaming tatlo sa bakuran, kaya wala kaming choice kundi ang sumunod dito.