Chapter 53

Mag aalas dyes na ng gabi pero hindi parin ako dinadalaw ng antok. Nakapatay na ang lahat ng ilaw sa  kwarto pero may munting liwanag paring nakikita dahil babad ang mga kasama sa kanya kanyang phone.

Sinigurado ko munang nakasilent ito bago binuksan ang data. Magkasunod ang mga mensaheng natanggap sa messenger.

Halos galing ito sa mga kaibigan at kaklase. Nakatanggap uli ng panibagong text, kaya dali dali ko itong binuksan.

From : Mama

Erin, magreply ka naman, nacontact na namin si Andi pero ikaw di ka sumasagot. Nag alala na kami sayo, kukunin ka namin bukas ng Tito Mike mo. Ingat ka palagi dyan. Miss you anak.

Tila may sumikip na hindi ko maintindihan. Hindi ko alam kung anong isasagot ko, gusto kong umiyak pero may humahadlang.

"Mukhang may nakaalalang mag online ngayon ah? Ano ng balita Cath?"

Iniwas ko ang phone at tiningnan si Andi na katabi ko lamang.

"Bakit ha?"

"Text mo naman Mama mo, kanina pa ako kinukulit ni Tito Mike ayaw mo raw sumagot"

"Nabasa ko naman na yung text, pupunta sila bukas"

Tumango lang si Andi at ibinalik ang tingin sa screen.

"Ha?? Uuwi na agad kayo?" Napaupo ako mula sa pagkakahiga nung magsalita si Jessy.

"Ah di pa naman sure"

"Ayaw mo pang umuwi?" Tanong naman ni Andi dito.

Kahit madilim eh kita ko kung paano napasimangot ang babae, mukhang inalala niya parin kung sinong susundo sa kaya dito.

Sabagay sa aming lahat, siya lang yung walang kasama. Hindi gaya ko meron si Andi at Rence, yung magkaibigang Drake at Warren, tsaka ang magpinsang si Mich at Allen.

"Wag mo na munang problemahin yun, walang uuwi hanggang walang susundo sayo" wika ni Mich na nandon sa huling gawi.

Magkahanay lang ang pwesto, Ako, Andi, Jessy at Mich.

Pinili ko nalang sumandal sa pagkakaupo at nag aksaya ng oras hanggang sa makatulog.

Kinabukasan

Ramdam ko ang sakit ng katawan bago naisipang bumangon.

Kaming dalawa nalang ni Andi ang naiwan sa higaan, mukhang nandon na sa labas ang dalawa.

Pagkalabas ko ng pinto ay bumungad si Jessy.

"Gising ka na pala, may almusal na sa dining. Tatawagin ko lang yung isa"

Tumango ako bilang pag sang ayon.

Hindi paman din ako tuluyang nakaabot ng sala ay bumungad na naman ang kakaligong si Warren.

May towel pa ito sa gilid ng balikat habang ginugulo ang basang buhok.

"Good Morning Erin, another day, another me! Kain ka na!"

Dumaan lang ito sakin kaya di ko nalang ito sinagot, mukhang good mood pa naman.

"Oh Erin, may almusal na sa lamesa, kain ka na"

Nagulat ako ng makitang magkatabi si Mich at Rence, nakatingin lang ang lalaki sa hawak na phone bago tumingin sakin nung magsalita ang kasama.

Tumango nalang din ako at tinahak ang dining area.

Kasalukuyang lumalamon sina Allen at Drake, habang may inabot na panibagong si Ginang.

"Good Morning po" nahihiya kong bati sa kanila.

"Good Morning din, kain na iha bago pa maubos nitong mga kasama mo" pabirong wika nito.

"Hindi po ako, siya talaga ang umubos ng pandesal pramis!"

Tukoy ni Drake sa inosenteng si Allen.

"Kakaupo ko pa nga lang"