Chapter 52

"No Andi, it's not your fault. Stop saying that"

Wala akong imik na nakikinig parin sa mga kasama. Hindi ko inasahan na ganito pala ang mangyayari. Simpleng entrance exam lang yung pinunta namin don, pero bakit nangyari ang mga to?

"Mga gago talaga! Pati ba naman nawawala pag-iisipan ng masama? Sino ba tong James Alfred at mabigyan natin ng leksyon"

Lumingon kami kay Warren na hindi parin tapos kakabasa sa mga comments.

"Ito pa oh! "Ubos na yang dalawang estudyante may guro ba namang kasama"

"Warren, stop that nonsense just ignore them"

Para kaming natalo sa isang laro na hindi parin makaget over. Nakapalibot parin sa sala ni Manong Andres.

"Sorry guys, di ko naman alam na artista na pala tayo pagbalik, namiss ko lang mag post ganun. Sorry talaga, pramis tatanggalin ko lahat."

Tiningnan ko ang sariling kaibigan na ngayon ay hindi na gaanong humihikbi matapos ang kadramahan kanina.

Ilang sandali pa'y lumingon ang lahat kay Andi nung tumunog ang phone nito, mukhang may tumatawag pa yata.

"Hala, anong gagawin ko? Yung sa Regional TV tumatawag"

Nagtinginan ang lahat at halos walang gustong umimik sa dapat gawin ni Andi.

"Ayokong sagutin"

Pano ba to? Hindi ko rin alam ang dapat gawin. Gusto ko lang makauwi ng safe, pero bakit may pa rewards pa? Ilang tao na yung nakakita samin dito, hindi nga lang ako sure kung alam nila yung tungkol saming tatlo.

"Mag rest nalang muna tayo"

Agad tumayo si Mich at umunang pumasok ng kwarto.

"Hinihintay ko pa rin yung updates kung sinong susundo sakin dito"

"Pwede na kaming makauwi bukas"

Napalingon ako sa nagsasalita, napaiwas din nung matama ang tingin namin ni Drake.

"Pero di kinaya ng konsensya naming iiwan nalang kayo basta basta" sagot ni Warren.

Napatahimik kaming lahat, habang napaupo nalang si Drake sa sahig.

"Let's sleep, late already"

Wika ni Rence at pumasok ng unang kwarto habang yung sa aming mga babae ay yung panghuli.

Kaming anim na lamang ang naiwan sa sala, gusto kong makapagplano ng tama bago matulog.

"Pwede ring uuwi kami bukas tapos kukunin yung pabuya, malaki laki rin yun! diba Drake?"

Napairap ako ng marinig ang sinabi ni Warren, loko talaga!

"Gago ka bro! Matulog ka na nga!"

Tumayo nalang ako at balak pumasok ng kwarto dahil mukhang hindi ako makapagplano dito.

"Oh san ka pupunta?"

"Matutulog, bakit?" Sagot ko kay Drake nung dumaan ako sa gawi nito.

"Wala, sige matulog ka na"

Tiningnan ko ulit ang mga kasama, malalim ang iniisip ng dalawang babaeng naiwan sa sofa habang si Allen eh nakatoon lang ang atensyon sa phone nito.

"Uy Andi, hindi mo pa na accept yung friend request ko, pareho lang kayo nung si Rence" Habol na sabi ni Warren sa akin.

"Hindi ko pa nga nabuksan yung fb, tiyaka na pag meron akong time"

Tumango lang ito kaya agad din akong tumalikod at bumalik na ng kwarto.

Naabotan kong nakahiga na si Mich, seryosong nakatutok sa phone nito.

"Diyan ka na pala, asan yung dalawa?"

Humiga nalang din ako at napatulala nalang sa kisame.

"May pag uusapan pa yata sila" sagot ko kay Mich.

"Kasali si Rence?"

Di ko mapigilang mapalingon sa gawi nito, anong meron kay Rence? Gusto kong tanungin pero pinigilan ko nalang.