Chapter 51
"Sa wakas, makakatulog narin tayo ng kumportable"
Wika ni Jessy habang busy ako kakatitig sa screen ng phone.
Sunod sunod ang ingay ng notification matapos kong binuksan ang data.
"Ano ba yan Erin! Dami nakamiss sayo no?"
"Di mo pa inaccept yung friend request ko sa fb".
Magkasabay na nagsalita sina Mich at Jessy na tapos ng mag ayos ng higaan.
"Nako, baka next week niya pa maisipan yan. Tingnan niyo nalang yung pictures na pinost ko"
Walang katapusan ang ingay mula messenger, facebook pati rin Instagram. Hindi naman ako masyadong ma SocMed kaya nakakapanibago ang ganito.
Una kong binuksan ang messenger, madaming chats and missed calls.
"May tao yata, sandali lang" wika ni Jessy tsaka tinahak ang pinto.
"Andi!"
Nagulat ako ng marinig ang boses ni Rence, wala itong emosyon na bumungad samin.
"Oh bakit?" Napaupo ng maayos ang kaibigang babae.
Nagtama ang tingin namin ni Rence tsaka tumingin ulit sa kaibigan.
"Uy, ginagawa mo dito?" Sulpot naman ni Drake sa likod ni Rence, nananatiling nakatayo sa harap ng pinto.
"We need to talk, everyone"
Nagtinginan kaming apat bago sumunod kay Rence na umuna ng umalis.
"Galit yata?"
"Mukha nga!"
"Ba't ako lang tinawag?"
Para kaming isang grupo na pinapunta ng Guidance Office. Nakatayo lang si Rence habang pasimpleng nakasandal malapit sa pintuan.
Nakaupo sa magkasalungat na couch sina Warren at Allen, habang kaming apat eh nagkasya sa sofa.
"Uy, kinakabahan ako ah. Ang tahimik niyo!"
"Manahimik ka rin" sagot ni Warren kay Drake na mukhang walang kaalam alam sa nangyari.
Maging kaming apat na babae eh wala ring ideya kung anong pag uusapan.
"We can't go home tomorrow"
"Huh?"
"Bakit?"
Halos sabay naming sagot kay Rence. Tiningnan niya lang kami, mukhang bumalik na naman ang pagiging suplado slash strikto nito.
Inilabas nito ang phone, may nais ipakita.
"Yun lang? Nga pala bro, di mo pa ako inaccept sa fb. Friend naman tayo diba?"
Napailing nalang ako sa pinagsasabi nitong si Warren, buti hindi naiirita itong lalaking nakatayo sa kakulitan ng mga kasama.
"Next Time Warren"
Napatameme nalang ang lalaki ng mapansing wala sa mood si Rence sa kakulitan niya.
"Here, Andi posted our photo earlier, you saw it already?"
Tumango ang mga kasama bilang pagsang ayon.
"Bakit? May mali ba dun?"
Nag alalang tanong ni Andi, maging ako man ay kinakabahan kahit di ko pa nakita yung nasabing picture.
"Still not safe for us to use any social media or even post any updates while we are not yet at home. We're on the news, missing for almost a week now. Other students were interviewed and forced on giving statements about the incident. They're looking for remaining students, especially you Andi and Erin and that includes me".
Nagulat ako ng tumingin si Rence sakin.
Napaiwas agad at tumingin sa mga kasamahan na nagulat din sa mga narinig.
"Anong tungkol sating tatlo?" Sunod kong tanong sa kanya.
Agad bumalik ang tingin nito sa phone at may hinalungkat na naman panigurado.
"Check this" abot nito sakin.
May bumungad na isang post na naglalaman ng aming litrato, di ko mapigilang mapalunok.
"Nag - alok ng P100, 000 na pabuya ang lokal na pamahalaan ng San Pablo sa mga makakita sa dalawang estudyante at isang guro na kasalukuyan paring nawawala".