Chapter 50

"Yes, yes I'm with my two students. Tonight? No. Yes, we are safe. Still planning, we're on the news. Yeah I will"

"Grabe tayo yata ang huling naiwan sa gubat! Ito pa oh, nakauwi agad sila kinaumagahan! Taray, edi kayo na magaling"

"Oo Ma, safe po kami ni Allen dito. Makakauwi rin kami wag kayong mag alala. Ma, wag hayss naman eh, wag ka ngang umiyak diyan!"

Kanya kanyang hawak ng phone ang mga kasama maliban sa akin na hindi magawang e open ang data. Nakatanggap rin naman ako ng ilang missed calls pero di ko na iyon nagawang tingnan kung saan galing.

"Nako mamaya na iyang pinag gagawa niyo, kailangan niyo munang kumain. Hali na!"

Sumunod din naman kami, syempre pagkain na yan no.

Muntikan pa kaming hindi magkasya sa dining table, dahil pang anim lang ito.

"Kayo po Ginang?"

"Mamaya na kami iho, kayo muna!"

Tila nagliwanag ang mata sa nakita, totoong fried chicken nga, may adobo pa at sinigang.

"Omg! I missed these!"

"Kain na Miss Maarte"

"Shh, good vibes lang tayo dito"

Paalala ni Drake sa dalawang palaging nagbabangayan.

Natahimik din naman ang lahat nung nagseryoso na ito sa pagkain.

Ilang sandali pay lumapit si Manong na may dala dalang softdrinks.

"May prutas dito sa itaas ng ref, kuha lang kayo"

"Hala nakakahiya naman, pero salamat po"

Nilibot ko ng tingin ang mga kasama, busy parin ito kakalamon sa mga hinanda sa hapag.

Naalala ko tuloy yung sitwasyon namin sa gubat, tanging dahon ng saging lang at halos prutas ang nasa hapag.

Napaisip tuloy kung sinong mag aakalang magkatagpo tagpo kami? Kahit sa bahay na to mismo, wala akong ideya kung saang lupalop matagpuan ang lugar nato.

May parte sakin na hindi nagsisi sa mga nangyari,  ewan.

Siguro dahil sa panibagong kaibigan na meron ako. For sure, pagkatapos nito babalik kami sa dati pero hindi na mawala sa amin ang mga karanasan.

"Are you fine Erin?" Napalingon ako kay Rence na nasa gawing kaliwa ko lang, pinaggitnaan si Jessy.

"Oo naman" sagot ko rito at napangiti ng tipid.

"Picture tayo dali"

Nangingibabaw ang boses ni Andi tsaka dali daling tumayo at pinwesto ang phone sa taas ng ref.

"Ano ba yan! Di kami kita"

"Pumikit ka drake"

"Ito na pumwesto ka, may timer yan!"

Wala kaming choice kundi sumunod sa gusto ng babae.

At hindi pa talaga nakuntento, naging groufie ang kalabasan.

"Patingin! Ako"

"Ito nga! Oh diba ang ganda ko tingnan"

"Ganda nga, hindi kami masyadong kita sa likod"

Ilang sandali pay naisipan na naming magligpit, kakahiya naman kung pati ito eh sila Manong pa ang gagawa.

"Ako na riyan mga iha, mga bisita kayo"

"Okay lang po yan Ginang, ngayon lang sila naging mabait" sabay kaming napalingon sa nagsasalitang si Warren.

Tumagal pa ng ilang segundo ang pagtitig namin dito bago tuluyang umalis.

"Oh sya! Baka mag away pa kayo! Ituloy niyo lang yan"

Kahit sobrang sikip eh pinipilit pa rin naming magkasyang apat sa paghugas ng pinagkainan. Mahirap rin palang magkaron ng madaming kapatid sa bahay, maraming huhugasan at liligpitin.

"Mga iha, pagkatapos niyo dyan, sabihan niyo lang ako ng maihatid ko na kayo sa kwarto. Yung mga lalaki mukhang matutulog na"