Chapter 49

"Ano ba yan Rence, antagal naman ng phone mo".

"Few more minutes Warren, just wait"

Pinahinga muna kami ni Manong Andres habang naghahanda ang asawa nito ng pang hapunan.

Nais sana naming tumulong pero pinigilan niya kami at ipahinga nalang muna.

"Ang bait ng mga anak nila no? Kahit may mga asawa na hindi parin napabayaan sila Manong"

"Yeah, dapat lang no"

"Gusto ko rin magkaganto, siguro after 10 years"

"Hindi yata aabot dyan, mga 30 years siguro. Syempre magjowa ka muna, magpakasal tapos magka anak, magpa aral ka pa tapos iiwan para mag abroad tsaka ka pa maging ginang na may dalawang bahay"

Napatingin kaming mga babae kay Drake na mukhang may balak pang mangulit.

"Peace"

"Nako ilayo niyo sakin yan" wika ni Mich dito pinipigilang manghampas ng kasama.

Tawang tawa si Drake tsaka lumapit dun sa dalawang lalaki na hanggang ngayon eh naghihintay parin kung kailan mafull yung phone ni Rence.

"Loko talaga"

Matapos ang ilang minuto ay nakaramdam kami ng pagod, napasandal nalang ako sa gilid habang katabi sina Andi at Mich sa isang sofa. Umidlip rin sa magkabilang couches sina Jessy at Allen. Habang yung tatlong lalaki eh gusto yata humilata habang binabantayan parin yung mga phone.

Naalimpungatan ako ng makarinig ng ingay. Naninibago sa liwanag ng paligid, akala ko nasa gubat pa kami. Napaupo rin naman ng maayos matapos bumalik sa ulirat.

Tulog parin ang mga kasama maliban kay Allen na seryoso lang ang tingin sa tv.

Agad kong naalala ang phone na kanina pa nakacharge, agad ko itong kinuha sa pwesto ng tatlong lalaking kasalukuyan paring natutulog.

Mukhang kakagising lang nitong si Allen dahil hindi parin kumukurap kahit bumalik na ako ng pwesto.

Natuwa ako ng tumambad ulit ang wallpaper sa screen. Namiss ko rin tong phone, yung  isang linggo na yun rin yata ang pinakamatagal na hindi ako gumamit ng kahit anong devices.

Grabe kinaya ko pala!

Minamasdan kong maigi ang screen. Possible kayang may nabago dito kahit di naman ginagamit.

6:12 pm, Sunday

April 3??

Napalunok ako ng maalalang April 5 yung Graduation Ceremony namin.

"Gising na pala kayo"

"Ngayon lang din po Manong" rinig kong sagot ni Allen.

"Tamang tama, baka may balita ulit ang Regional TV sa mga kagaya niyong nawawala"

Napalingon ako kay Manong, medyo naguguluhan rin.

Nag abot ang mga mata namin ni Allen tsaka dali daling ginising ang mga kasama.

"Ano ba yun bro!"

"Mamaya na!"

"Bakit?"

"Yeah I will"

"Inaantok pa eh"

"Kayo nalang"

Lumipas yata ang isang minuto bago tuluyang nagising ang lahat.

Nakaupo sa sahig sina Drake at Rence. Pilit namang umupo ni Warren sa pwesto nung gumising sa kanya kaya pinabayaan nalang ito ni Allen at tumabi don sa dalawa.

Walang gustong magsalita, hindi parin ako tapos kaka isip na ilang araw nalang Graduation na pero hanggang ngayon di parin kami nakakauwi.

"Wait, I forgot my phone"

"Rence, yung sakin paki unplug din. Salamat"

"Ang arte"

"Pake mo?"

"Wala"

Nagsiayos kami sa pwesto nung tumambad ang balita sa tv.

"Kasalukuyan paring nawawala ang iilang estudyante galing sa apat na dibisyon, matapos ang nangyaring enkwentro sa San Lorenzo. Alamin natin sa report ni 

Tez Lopez"