Chapter 4
Ilang oras ng biyahe ng huminto ang bus para mananghalian.
Kanya kanya kaming diskarte, may iilang may sariling baon at ang iba naman ay sa labas kumain.
Agad kong napansin ang numerong tumambad sa hinahawakang phone.
Sinagot ko ito ng walang pagdadalawang isip
"Pa?"
Seryoso lang ang tingin ko sa harap ng di napansin ang gawang pagdaan ni Andi mula sa pwesto nito.
"Sorry nak, di ako nakauwi this week. San ka ngayon?" Tanong nito sa kabilang linya.
Sinabi ko rin naman na ang totoo kung san ako ngayon. Kahit kasi anong sabi kong pagpapakonsensya di pa rin yun maging dahilan para ako yung una niyang pipiliin.
Alam kong malalapitan ko sila ni Mama, pero sa ibang sitwasyon pakiramdam kong may hadlang samin. Hindi sa lahat ng oras kaya kong lumapit sa kanila, hindi gaya ng dati.
Matapos ang ilang sandali ay nagpatuloy ang biyahe. Unti unti ko ng nararamdaman ang sakit ng katawan sa pagkakaupo.
Nakatulog lang si Andi habang busy ako kakascroll sa Instagram. Ilang sandali pa'y napansin kong puro puting litrato ang lumalabas sa screen. Doon ko nalang din napagtantong wala na palang signal.
Dahil sa inip, nilibot ko ng tingin ang mga kasama na may iba't ibang ginagawa. Karamihan dito ay natutulog , nakikinig ng music at nakatoon lang ang atensyon sa cellphone. May mga iilang nagkukwentohan at may sariling mundo.
Naalala ko ang lalaking nasa kabilang upuan. Liningon ko ito, tila nakapikit na may suot na earphone. Kaya lang, di ko akalaing lilingon ito ng ilang segundo.
Agad akong napalingon sa harap, nakaramdam ng hiya sa nagawang pagtitig.
Napapikit nalang ako at sumandal kay Andi na mahimbing na natutulog. Pero patuloy paring tumatakbo ang isip sa nagawang kahihiyan.
Pinilit kong makatulog sa ganung sitwasyon at ng kalaunan ay di ko na mawari ang mga pangyayari.
"Cath? Cath? Gising na!"
Bumalik ang diwa ko sa reyalidad matapos marinig ang boses ni Andi. Doon ko nalang din napansin na kanina pa ito hawak ng hawak sa kamay ko.
"Andito na tayo" mahina nitong sabi
Tumango nalang ako at inayos sa pagkakaupo ang sarili. Sunod sunod ang paglabas ng ibang kasamahan.
Hinanap ko ang ibang gamit at ng maalala kung saan napunta ang isang bag agad bumalik yung kahihiyan kanina.
Wala naman siguro sa kanya yung ginawa kong pagtitig. Dahil sa naisip ay tila nagkaroon ako ng lakas ng loob.
Ilang estudyante pa ang dumaan bago makita ang nasa kabilang upuan.
Ready na rin itong tumayo pero hinintay lamang ang iba na makadaan. Nagdadalawang isip pa ako kung anong sasabihin.
Di nalang ako tumingin at akmang kukunin yung bag na nasa tabi nito.
"Sorry, I almost forgot. Here's your bag" biglang wika nito dahilan para matingnan ko siya ng diretso.
"Thank you........... Sir" nahihiya kong sabi tsaka kinuha ang bag. Di ko na alam kung sumagot o wala, basta agad nalang akong lumabas ng bus.
Sumalubong sakin ang malamig na hangin. Napangiti ako sa presko nitong pakiramdam. Para akong nanggaling sa giyera at umabot sa ligtas na lugar.
"Ang ganda nga dito Cath. Grabe!!" wika ni Andi na nagsimula ng kumuha ng litrato. Napalingon ako sa bus na kakarating lamang, mukhang mga estranghero.
Agad itong mapapansin sa dala dala nilang ingay.
"Di kaya may ibang events or competition din dito? Like sinabay lang sa entrance exam?" Tanong ni Andi bigla na di ko naman din masasagot.
"Nope, gaya niyo lang din. But mostly guys prefer to create attention lalo pa't meron silang chances." agad kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses.
"Sorry, I just answered your question" sagot nito tsaka ngumiti samin.
Ano daw? Guys prefer to create attention chuchu, ano bang pinagsasabi nito.
"Okay lang sir, New Teacher po kayo?" Napatingin ako sa katabi na mukhang gusto makipagchismisan.
"Yes, just started this month. I'm Lawrence Cornitez" agad nitong pakilala samin.
"Andrea po sir"
Tumango lang ito tsaka lumingon sakin, mukhang kasali yata ako sa chika.
"Catherine po"
"Nice to meet you, you are from the Academic Strand?"
Tumango lang ako tsaka napatahimik ng biglaan, di kaya napansin niya yung nagawa kong kahihiyan?
Tiningnan ko si Andi na patuloy parin ang chismis.
May iilang mga bus na naman ang dumating pero di ganun kaingay gaya kanina. Halo halo ang mga ito, mukhang matatalino at matured.
Tanaw ko yung bus na may lulan ng maiingay na estudyante, halos mga lalaking nagkukwentohan.
Di kaya ito yung ibig sabihin ni Sir kanina? Sabagay mas maiingay talaga ang mga boys lalo pa't ipagsama sama ang mga ito.
Mukhang may mga babae din namang kasama pero nasa apat lang yata.
Agad nabaling ang tingin ko sa malayo, ng mapansin na mukhang ako yung tinitingnan ng iilang lalaki.
Ang kapal ko ngayon. Pero parang yun talaga eh, syempre ako lang yung nakaharap sa gawi nito habang yung mga kasamahan ko eh nakatingin sa harap.
"Hoy! Tinitingnan mo?" Tanong ni Andi nasiko pa tuloy ako.
"Ano ba?" Mahina kong sabi habang nilibot kunwari ang tingin kung asan na ang kausap nito.
"Wala na, iniwan na ako huhu ang gwapo niya cath at ang friendly pa OMG" sabi nito na may pa gigil at yakap effect pa sakin.
Hinanap ng mata ang lalaking pinagchichisman, nasa babaan lang ito ng bus kasama ang ibang teacher, mukhang may pinag usapan yata.
Patuloy parin kaming naghihintay sa susunod na gagawin, mukhang tatlong oras nalang at magdilim na ang paligid.