Chapter 48
Namangha ako sa nadatnan, di mo mapigilang mapakumpara ang istilo ng mga bahay dito kesa don sa una naming nadaanan.
Makikita mong mas nakaangat ang mga residente, mas marami rin ang mga bahay na gawa sa semento.
Sumunod lang kami kay Manong Andres nung lumiko ito pakanan, hindi na sementado ang daan at makita mo sa malayuan na napalibutan ng puno ang lugar.
"Ang ganda dito no? Simple lang"
Napatango ako kay Jessy nung huminto pa ito at hinintay ako para sabay kaming maglakad.
Maaliwalas na ang dapit hapon, wala nang masyadong sinag ng araw pahiwatig na ilang minuto nalang ay magdidilim na.
May tindahang maliit ilang lakad mula papasok, mukhang matagal na ang tindahan na ito wala na rin masyadong laman. Siguro mga panindang sibuyas, ahos at asin na lamang at iilang sangkap pangluto.
Di namin mapigilang mapalinga linga sa paligid, nakuha ng aking atensyon ang iyak ng isang bata sa labas na mukhang pinapagalitan ng nanay dahil ayaw pumasok.
"Wag na maglaro EJ, gabi na" rinig kong sabi ni Manong tsaka kami nagpatuloy sa paglakad.
Hindi mo mapapansing magkadikit dikit ang mga bahay dito dahil sa iilang halaman o puno sa bawat gilid.
Agad may naghiyawan sa isang tindahan, mukhang mga tambay nag iinoman pa yata.
Napatabi si Andi sa gawi namin ni Jessy, maging ako rin ay natakot nung mukhang sa amin ang direksyon ng tinginan nito.
"Akala ko ba ilang lakad lang? Lampas sampong hakbang na to ah? Si Manong talaga"
Agad kong nasiko si Andi sa sinabi nito.
Huminto kami sa dalawang magkakulay na bahay. Magkahalong puti at luntian, mukhang magkapamilya lang ang mga ito.
Unang pumasok si Manong, pero mukhang wala kaming balak isama.
"Nakalimutan yata tayo?" Dismayadong lingon ni Warren sa amin nung nag antay kami ng ilang segundo.
Lumabas ito agad pero wala ng dala dalang buko.
"Dito po tayo sa kabila" wika nito at dumiretso sa kaharap na bahay.
Sumunod lang kami rito hanggang makapasok sa loob.
Ramdam ko ang lamig sa moderno nitong desinyo, namangha parin ako dahil mukhang mayaman ang may ari.
"Oh! Natameme yata kayo? Wag na kayo mahiya, welcome kayo dito sa bahay"
Hindi ko nalang liningon si Warren na mukhang may balak manggulo sa mga kasama.
"Ay Magandang Hapon, inom muna kayo ng tubig"
Napatayo kami lahat nung pumasok ang isang Ginang na may dala dalang pitsel kapansin pansing malamig pa ito kaya medyo nauhaw ako sa nakita.
"Salamat po"
Agad nagsikuha ng baso ang mga kasama, muntikan pang maubos ni Warren ang unang salin nito dahil sa pagmamadali.
"Nako, mabuti naman at nakaligtas kayo lahat. May gusto ba kayong kainin? Anong gusto niyong ulam? Ipagluluto ko kayo"
Muntikan pa akong maubo nung maalala si Manang Lucy at mga paborito kong mga luto nito.
Musta na kaya siya? Siguro nag alala na yon.
Naexcite ako ng maalala ang nakatagong cellphone sa bag.
"Kahit ano po, walang problema samin".
"Yes po, kahit anong chicken"
"Warren!!!"
Agad na pigil ng lahat kay Warren dahil nagdemand pa.
"Okay lang iyon, ngayon lang ulit kami may bisita dito. Kung may kailangan kayo sabihin niyo lang"
"Pwede pong maki charge?"
Agad nagtinginan ang lahat sakin.