Chapter 47

Napabuntong hininga ako ng makatawid ng matiwasay sa tulay. Naghihintay ang mga kasama na may kanya kanyang inaabala.

"Ito tubig"

"Dito nalang muna tayo sa gilid"

Wala na akong ideya kung sino ang nagsasalita basta napasandal nalang ako sa kahoy at pilit ikalma ang sarili.

"Thanks bro, I'm fine don't worry"

Kita ko mula sa pagkakasandal ang kabuuan ng mga kasama. Karamihan dito ay napaupo na lamang.

Maliban kay Manong Andres at Drake na mukhang hindi natinag sa dinaanang tulay.

Napatingin ako sa dala dalang buko ni Manong, napaisip kung paano niya nadala ang mga ito?

Ramdam ko parin hanggang ngayon kung paano ako dinuyan ng tulay. Maging ang palaisipan na baka may nangyaring masama sa amin.

"Sana nilakad ko nalang ang ilog papunta rito"

"Huli ka na bro"

Rinig kong sabi sabi ng dalawang magkaibigan.

"Tara na po? May isa pa pong tulay tapos ilang lakad bago makarating ng bahay"

"ANOOO?????"

Para yata kaming himatayin sa narinig.

Agad nagtinginan ang mga kasama na gusto na yata magpalamon sa lupa at di na umuwi ng bahay.

Sumunod nalang kami kay Manong dahil wala kaming choice, di rin pwedeng magpaiwan kami o kaya bumalik ng gubat.

Nagkaroon na rin ng mas maraming bahay habang nagpatuloy kami sa paglalakad.

Halos karamihan ng taong nadaanan ay nasa amin ang atensyon. Ngayon lang ba sila nakakita ng mga estranghero?

Napayuko nalang ako dahil sa lagkit ng mga tinginan nito sa amin.

"Mga estudyante"

"Buti nakaligtas lahat, matagal tagal na yan diba"

"Mukha nga"

Tanging paa lang ni Andi ang tinitingnan ko habang patuloy sa paglalakad.

"Ipagpasensya niyo na sila, usap usapan talaga kayo dito"

Wika ni Manong Andres na ikinalingon ko.

Di ko maiwasan lingunin ang paligid, masasabi mo talagang simple lang ang pamumuhay.

May dalawang tindahan na magkatabi kung saan doon rin nakatambay ang iilan sa mga residente dito.

May mga batang naglalaro sa daan na agad ring napagilid nung makadaan kami.

Ilang lakad mula rito ay kaonti na naman ang bahay, hindi ko mawari kung paano nila napiling manirahan dito sa sobrang tahimik.

Pero mula sa mga karanasan na nangyari sa amin sa gubat, hindi ko rin sila masisisi.

"Dalawang tulay talaga ang kailangang daanan bago makarating ng bayan, yung sa San Lorenzo tsaka itong sa amin" rinig kong sabi ni Manong.

Doon ko nalang din napansin na hindi na gaya nung unang tulay ang tumambad sa amin.

Gawa na ito sa bakal, mukhang bagong gawa pa dahil pulidong tingnan.

Magkasunod lang kaming dumaan roon, sobrang kumportable dahil hindi mo maramdaman na para kang dinuduyan.

Nagawa ko pang lumingon sa ilog na wala namang masyadong tubig. Siguro konektado ito sa ilog kung saan kami namamalagi ng isang linggo.

Matapos makadaan ng tulay ay may hagdaanan ulit pababa, gawa sa semento ang mga ito mukhang binigyan talaga ng pundo hindi gaya ng sa San Lorenzo.

Napaisip tuloy ako kung bakit hindi masyado inalagaan ang gawing iyon.

"Malapit na po Ma'am ilang lakad nalang tapos kanan dun na agad ang bahay namin"

"Dito nalang sa tabi Mich, pipikit kami"

"Gago ka bro"

Rinig na rinig ko rito ang pagtawa ng dalawang kaibigan, mukhang si Mich na naman ang trip ng mga to.