Chapter 46

Dumaan yata ang iilang minuto pero wala paring sumabay kay Manong Andres na ngayon ay naka apak na ang dalawang paa sa tulay na gawa sa kahoy na mukhang naisagawa pa noong kapanahunan ng Edsa Revolution.

Di ko alam kung kakabahan ba ako o matatawa sa hitsura ng dalawang kasamang nakasunod dito.

"Ano pa hinihintay mo Mich, mauna ka na"

"Anong ako? Diba gusto mo na mag banyo pagdating? Ikaw mauna"

"Oh di ko sinabi yan, ikaw na mauna Ladies First ika nga"

"Ikaw na, naghihintay na si Manong sayo"

Napailing nalang ako sa naging bangayan ng dalawa, hindi yata ako sanay na hindi si Andi ang kaharap ni Warren sa ganitong bagay.

"May problema po ba?"

Biglang sulpot ni Manong Andres na ngayon ay nasa harap na nina Warren at Mich.

Agad nagtinginan ang dalawa at lumingon samin pilit ibigay ang kasalukuyang responsibilidad.

Pero dumaan ang iilang segundo wala paring nangyari, tanging ang mga mata lang ang nag usap usap.

"Nako wala po, tara na Manong"

Agad na wika ni Drake na ikinagulat namin.

Niyaya nito ang lalaki at handa ng sumabak sa giyera.

"Nako may parating, mamaya na tayo"

Lumingon kami sa tinutukoy nito, napalunok agad ako ng makitang kung gaano sila kakumportableng naglakbay sa tulay.

Masyadong mapanganib tingnan pero siguro taga rito ang mga ito kaya sobrang sanay.

Nag antay lang kami sa gilid, nakaupo na ang iilan sa amin dala na siguro ng kaba sa maaring gagawin maya maya.

"Natatae na yata ako sa nakikita" sabay kaming napatingin kay warren na seryosong nakatingin sa mga taong parating.

"Diba sabi sayo ikaw na mauna"

"Ako na mauna"

Nakikinig lang ako sa mga pinagsasabi ng tatlong to.

Tumingin ulit ako sa hinihintay.

Ang tagal naman!

Di ko sinasadyang mapalingon sa ibang kasama na mukhang kanina pa malalim ang iniisip.

"Rence"

Tawag ko sa lalaking nasa bandang likuran, agad rin itong napalingon sakin.

Nabigla lang ako saglit ng makitang mas lumabo ang kulay ng mga mata nito. Tila nasapawan ng luha pero hindi nailabas. Maging ang kulay ng ibabang parte ng mukha nag iba rin. Pero di ko na masyadong pinapansin.

Umiyak ba to? O may problemang iniisip?

"Yeah?"

"Ano parang namumutla ka"

Kita ko yung gulat ng marinig ang sinabi, kinuha ko nalang yung tumbler na hawak hawak ni Allen.

Wala itong choice kundi uminom, mukhang nahimasmasan narin naman pagkatapos.

"Thank you"

"Maghanda na po kayo Mam at Sir"

Tumayo ang iilan nung mag salita si Manong Andres.

Napatingin sa amin yung tatlong taga rito nung makadaan, may dala dalang plastic bag yung dalawa, kita mula rito ang mga de latang binili, pancit canton, kape at junk foods.

Napasunod nalang ako nung makitang nakahanay na ang mga kasama.

Tila nagdadalawang isip pa si Mich nung sumunod si Drake kay Manong Andres.

Sobrang sanay na talaga ang mga taong taga rito, gawa sa lubid at kahoy ang nasabing tulay. Medyo katamtaman ang lapad ng aapakan pero maki kita mo parin na malaki ang distansya ng mga ito.

Katamtaman ang luwag ng lubid kaya di gaanong delikado kung masandalan mo man ito, wag ka lang masyadong titingin sa baba.

Nakasunod si Warren kay Mich, magkahanay lang kaming tatlo ni Jessy at Andi.

Nanginginig pa akong humakbang sa pangatlong dapit, para akong dinuduyan kahit nakatayo.

"Bro, sige na kaya mo yan! Kahit ngayon lang"

Rinig kong sabi mula sa likod, sigurado akong boses iyon ni Allen pero di ko magawang lumingon.