Chapter 45

Nakatayo na kaming lahat habang nakikinig sa ibang kasama na kinakausap si Manong Andres.

Nabuhayan agad ng loob nang makitang hindi ito mukhang masama. May dala dala pa itong apat na niyog nung dumaan samin.

"Nako, natagalan pala kayo dito sa gubat"

"Opo, halos isang linggo narin" sagot ni Mich dito.

"Can we ask - I mean paano po makabalik ng San Lorenzo?"

"Madali lang po yan!"

Nabuhayan ako ng marinig ang sagot.

"Sige sige po, tara na?" Masiglang wika nitong si Warren.

"Sa sakayan?"

"Yes yes, can you help us po? Sa sakayan?"

Natigilan ito sandali kaya mas lalo kaming lumapit sa tatlong nasa harap.

"Mahihirapan tayo makapunta don sa gantong oras"

Sagot nito na tumitingin sa itaas, tila iniisip kung anong oras o kung uulan ba?

"Alas dos pa po ng hapon manong" malamnay na sagot ni Mich, mukhang nagpapakonsensya pa yata.

"Hindi kasi ligtas kung sa checkpoint kayo dadaan, baka hindi rin kayo makakasakay agad".

Sabagay, natakot narin akong bumalik don.

"Kung sa sakayan po, diretso sa bayan na yun. Makakabili pa kayo ng kahit ano"

Ilang sandali pay binigyan niya muna kami ng ilang minuto para makapag usap.

"Pano yan? Dito na muna tayo magpapalipas ng gabi?" Tanong ni Andi sa lahat.

Di talaga to makalimot pag ganitong usapan.

Agad kong tiningnan si Manong na ngayon ay mukhang merong malalim na iniisip. Nakahawak parin sa apat na niyog.

"Yan nga rin yung inalala ko"

"What if, we'll ask him again?"

"Mukhang nakaistorbo yata tayo?"

Wika ko sa mga kasama na agad rin napatingin sa tinutukoy.

Matapos ang iilang minutong pagdediskusyon, naki usap muna kami kung saan maaring mamalagi ngayong gabi.

Buti naman at sobrang bait ni manong, pumayag ito na sa bahay muna nila tumuloy.

Nakahanay lang kaming naglalakad, nakapulupot na naman ang mga braso ni Andi sakin.

Hindi ko masyado narinig kung anong pinag usapan nila sa harap, tanging sina Mich at Warren lang ang nagtatanong dito.

Mga ilang minuto mas naaninag na namin ang kabuuan, lumabas kami sa madilim na gubat na yon.

Medyo patag na rin ang daan, may iilang tao ring naglalakad na mukhang nagulat pa yata nung makita kami.

"Cath, feeling ko ang dugyot dugyot na natin"

Mahinang sabi ng katabi ko.

"Wag munang pansinin, nahalata yata tayo" tukoy ko dun sa dalawang taga rito na sobrang obvious na tumingin samin.

Huminto pa.

Ilang sandali pay namangha kami sa nadatnan, nailibot ko tuloy ang tingin kung hanggang gaano kahaba ang tulay nato.

"Dito tayo dadaan?" Bulong ni Andi sakin.

Napatango ako agad agad na tila natulala pa sa iisiping di kaya kami mahuhulog dyan?

Mukhang di yata kami kakayanin lahat.

Napahinto ang mga  kasama maliban kay Manong Andres na patuloy sa pagsasalita.

Mukhang pareho rin kami ng iniisip.

"Tara na po"

Rinig naming wika nito na ready ng dumaan sa tulay.

Napaiwas ako ng tingin nung lumingon ang dalawang nasa unahan.

Nakarinig pa ako ng bulong bulongan mula rito pero di ko nalang tiningnan.

"Agay! Sandali nga kasi!" Mahinang sabi ng kung sino.

"Tara na po, bago pa may dadaan sa kabila"